Derek Ramsay reunites with son Austin in Dubai after 10 months

Napunan na ang pangungulila ng aktor na si Derek Ramsay matapos makapiling muli ang anak na si Austin Gabriel sa Dubai. Halos sampung buwang hindi nagkita ang mag-ama na, ayon kay Derek, hindi rin sila nagkakausap o nagkaka-text man lang.


Pagkatapos ng halos sampung buwang pagkawalay sa anak, nakita muli ni Derek Ramsay at ng kanyang 12-year-old son na si Austin Gabriel.

Nangyari ang masayang pagkikita ng dalawa sa Dubai, kung saan kasalukuyang nagbabakasyon ang TV5 star.

Ang kanya namang anak ay sa Dubai nakatira sa ngayon at nag-aaral.

Sa Instagram post ni Derek kahapon, October 18, sinabi nitong walang pagsidlan ang kanyang tuwa at nakita na niya muli ang anak.

“Words can't define how happy I am right now. God is good. Finally, got to see my son again. Love you Austin.”

Matatandaang nitong Agosto, naghayag si Derek ng pangungulila sa anak na halos walong buwan na niyang hindi nakikita at wala ring komunikasyon.

Read: Derek Ramsay admits not seeing his son for the past eight months: “Ayoko nang mag-isip ng negative, basta keep on trying.”

Si Austin ay anak ni Derek sa estranged wife niyang si Mary Christine Jolly.

Noong October 2014, pumirma ng compromise agreement ang dalawa para sa kapakanan ng kanilang anak.

Read: FIRST READ ON PEP. Derek Ramsay and Mary Christine Jolly settle differences for the sake of son Austin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN