Enrique Gil not worried about box-office result of latest movie after airplane incident

Enrique Gil reaffirms his loveteam with Liza Soberano is stronger than ever. He says, "We're really close, we're really close friends. Seventeen pa lang po siya, upcoming na yung birthday niya, so nandito lang ako."



"Actually, every day naman po... every day, every day po, of course."

Ito ang naging sagot ni Enrique Gil sa tanong kung ilang beses niyang sinasabihan ng "I love you" ang kanyang onscreen partner na si Liza Soberano.

Kung ganoon, saan na ba ang estado ng kanilang closeness ni Liza?

Sagot ng 23-year-old Kapamilya actor, "We're really close, we're really close friends.

"Ayun, we're just happy kapag magkasama kami sa projects... basta, ayun na.

"Seventeen pa lang po siya, upcoming na yung birthday niya, so nandito lang ako."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Enrique sa presscon ng pangalawang pelikula nila ni Liza na Everyday, I Love You, nitong Linggo, October 18,

Napansin ng press na naku-conscious ang dalawa sa naging sagot ng Kapamilya actor sa mga tanong sa kanya.

Pero giit ni Enrique, "Hindi, hindi... totoo naman po ang sinasabi namin.

"Walang... honest po, honest lang, we’re just happy po."

Mayroon ba silang kissing scene sa pelikula?

Sabi ni Enrique, "Secret... secret.

"Sa trailer, si Liza kiniss niya si Ge [Gerald Anderson] habang nakaano siya...

"Aside from that, abangan niyo, at yun ang exciting."

ROLE CHANGING. Sa puntong ito ay diretsahang tinanong si Enrique kung may takot ba siya na maapektuhan ang box-office result ng pelikula nila dahil sa airplane incident na kinasangkutan niya.

Patanong na sagot niya, "Ano pong nangyari?"

Saka niya idinagdag na, "A... hindi naman po.

“Matagal na, so I think ang dapat nating isipin ngayon ay yung bagyo [typhoon Lando].

"At saka yung pelikula namin, yun ang mga mas importante."

Dahil medyo hindi naging kumportable si Enrique tungkol sa tanong na ito, inalam na lang ng PEP kung ano ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa pelikula nila.

Aniya, "Ako, nahirapan ako dahil they wanted to change me.

"Yung totally different, sa kung anong nakita nila dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in they want me straight, seryoso lagi, di nagpapatawa, na parang sumasayaw.

"They want me to be in a more mature role po dito... e, di ako ganun, makulit ako't laging energetic.

"So, si Direk [Mae Cruz-Alviar], 'Hop, hop, hop, kiti-kiti na naman!'

"She's very quiet, strict, and very straightforward.

"So, yun ang challenge. Kaya si Direk, nakabantay lagi.

"Dun ako nahirapan, di ako sanay."

Dugtong pa niya, "Ako kasi, light-light lang, maloko.

"So, this one's a more mature take.

"Heto, you really have to be serious something na they never saw before.

"Yun ang mahirap sa akin, yung… serious tone in a story.

“And sa situation po ng characters namin, very critical ang each scene.

"Kung may kilig man, di puwede ang sobra.

"Pero andun si Direk to guide us,.

"And we have great actors here, so ayun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN