Claudine Barretto to appear again in Maalaala Mo Kaya after more than 20 years

After having appeared in a couple of episodes on MMK in the '90s, Claudine Barretto posts about her upcoming apperance on ABS-CBN's drama anthology.


Isang pagganap sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ang susunod na proyekto ni Claudine Barretto.

Ngayong Lunes ng hapon, nag-post ang aktres ng kanyang call slip para sa naturang drama anthology.

Ginamit din ni Claudine ang hashtag na #ClaudineinMMK sa nasabing post.

Base sa call slip na kanyang ipinost, "Leni" ang character na gagampanan ni Claudine sa episode na ito.

Here it is my Palanggas ❤️❤️❤️ #claudineinMMK

A photo posted by @claubarretto onOct 18, 2015 at 9:19pm PDT

Ito ang susunod na proyekto ng aktres pagkatapos ng pelikulang Etiquette for Mistresses, na pinagbidahan nila nina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu.

Nagbida si Cludine ng episode sa MMK noong 1996 ("Valentine Card") at 1993 ("Walkman").

Tuwang-tuwa naman ang followers at fans ng aktres sa “pagbabalik” ng kanilang idolo sa MMK, base sa comments section ng nasabing post.

Pagkatapos ng pelikula at drama anthology, susunod na kaya ang isang teleserye sa ABS-CBN para kay Claudine?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN