Nadine Lustre posts cryptic message on Instagram about being "on the verge of breaking down"

Nadine Lustre shares thoughts on being on the verge of breaking down: "It happens. But you gotta get back up."


Sa isang pambihirang pagkakataon, nagbahagi ang Kapamilya star na si Nadine Lustre ng emosyunal na Instagram post kagabi, October 19.

Naglalaman ito ng isang tula tungkol sa pagkuwestiyon sa sarili at kawalan ng pokus dahil sa hindi malamang dahilan.

Sabi sa isang bahagi ng tula: "it's gotten to the point where / i don't know who i am anymore / i constantly feel like i'm on the verge / of breaking down."

Kalakip nito ang caption kung saan sinang-ayunan ni Nadine ang mensahe ng nabanggit na tula.

Aniya, “Hey, it happens... But you gotta get back up.”

Hey, It happens.. But you gotta get back up.

A photo posted by Nadine Lustre (@nadzlustre) onOct 19, 2015 at 8:55am PDT

Taliwas ito sa madalas na pinu-post ni Nadine na artsy at feel-good Instagram photos.

Bunsod nito, hindi maiwasang magkaroon ng espekulasyong may pinagdadaanang problema ang On The Wings of Love actress.

Narito ang ilan sa comments ng solid supporters ni Nadine sa Instagram:

Kasabay nito ay kapansin-pansing nagbura si Nadine ng ilan sa kanyang Instagram posts; bagay na ikinagulat ng fans niya.

Base sa kanyang Instagram bio, nagpahiwatig ang Viva talent kung bakit kinailangan niyang burahin ang mga ito.

Dito ay nakasaad ang sumusunod na kataga: “FEED UNDER CONSTRUCTION (Just trust me).”

Gayunman, mayroon siyang hiwalay na Instagram post kung saan nagpasalamat si Nadine sa ilan niyang solid supporters na nagbigay sa kanya ng bouquet of roses.

Ito ang mensahe sa kanya ng “Naddicts” base sa caption ng naturang Instagram post: “Our love and support for you will never be shaken. We love you teng, always and forever.”

Sagot naman ni Nadine: “Thank you for sticking with me through whatever.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN