John Estrada on wife Priscilla Meirelles working with ex-wife Janice de Belen: “I don’t think they’re friends but they are civil.”

Masaya si John Estrada na unti-unti nang naaayos muli ang pagkakaibigan nila ng dating asawang si Janice de Belen. Wala rin daw problema sa kanya na kasama ng ex-wife ang kasalukuyang misis niyang si Priscilla Meirelles sa teleserye ng ABS-CBN, ang Be My Lady.


Walang problema kay John Estrada ang pagsasama sa teleserye ng misis niya ngayong si Priscilla Meirelles at ng kanyang dating misis na si Janice de Belen.

Magkasama ang dalawa sa Be My Lady ng ABS-CBN.

Sabi ng Kapamilya actor sa panayam sa kanya ni Boy Abunda Tonight With Boy Abunda kagabi, October 19, “Well, it's work.

“Nung una lang, parang, ‘Ha, talaga?’ It's work.

"And my wife told me na first time silang nag-taping ni Janice, she said, 'A, magaling talaga si Janice.'

“And sabi ko, ‘Oo naman.’”

May apat na anak sina John at Janice—sina Ina, Yuan, Moira, at Kyla.

Isa naman ang anak nila ni Priscilla, si Sammantha Anechka.

Magkaibigan ba sina Priscilla at Janice?

Tugon ni John, “I don’t think they’re friends but they are civil.

“That’s good enough.”

Ayon naman kay John, unti-unti nang nanunumbalik ang pagkakaibigan nila ni Janice.

“Me and Janice now… magandang balita ito mga Kapamilya, we’re starting to be friends.”

Siyam na taong nagsama sina John at Janice bilang mag-asawa.

Naghiwalay ang dalawa noong 2001 dahil sa naging relasyon ng aktor sa dating aktres na si Vanessa del Bianco.

PLAYBOY OR LADIES’ MAN? Imahe ni John ang habulin ng mga babae.

Tanong ni Boy sa kanya: Ano ba ang pagkakaiba ng playboy at ladies’ man?

Natatawang sagot ng Walang Iwanan star, “Well, alam mo, pinagdiskusyunan namin yun dati.

“Ako, si Kuya Joey [Marquez], si Richard [Gomez], isama ko na si Randy [Santiago] at si Willie [Revillame].

“Yung playboy, tingin namin, ha, tingin ko, that goes for… mahirap magsalita…

"Meron kaming inano na word diyan na si Willie Cuevas ang nag-ano… ‘Hindi kayo babaero...’

"Kasi playboy is babaero.

“Yung babaero kasi is from one girl to another at the same time. Sabay-sabay.

"Ang ladies’ man, one at a time, pero medyo marami din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SYMPATHY FOR WILLIE. Sa kabilang banda, nakisimpatiya naman si John sa matalik na kaibigang si Willie Revillame.

Lumabas kasi nitong nakaraang weekend ang utos ng Court of Appeals (CA) kung saan pinapaaresto raw ang TV host kaugnay ng kaso nitong child abuse.

Read: Willie Revillame ordered by Court of Appeals to be arrested over child abuse case

Biro ni John, “Kapatid, hindi bale, pagka nakulong ka man, bibisitahin kita.

"Hindi, mahal ko ‘yan.

“And shortly lang, I think that the kid wasn’t abused.”

Nagkasama sina John at Willie noon sa Magandang Tanghali Bayan (1998-2003) at Masayang Tanghali Bayan (2003-2004) ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN