Luis Manzano “would love to have Kapuso guests” in his Kapamilya game show

TV host Luis Manzano would love to have Kapuso stars guest on his game show in ABS-CBN, if only their respective networks would allow them.


Bukas si Luis Manzano na maging guest sa kanyang ABS-CBN game show na Kapamilya Deal Or No Deal (KDOND) ang Kapuso stars; kagaya nina Vic Sotto, Joey de Leon, Regine Velasquez, Marian Rivera, at maging ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza o Yaya Dub.

Sa kanyang Twitter account, sabi ni Luis: “I would love to have Kapuso guests on Deal or no Deal too!”

Sinundan niya ito ng tanong para sa netizens kung sinu-sino ang mga GMA celebrities na gusto nilang maglaro sa kanyang game show.

I would love to have Kapuso guests on Deal or no Deal too! Sino pa gusto niyong Kapuso na mag guest sa DOND? https://t.co/JjWaduk9lj

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

“Astig” daw kung mag-guest si Vic o “Bossing” sa KDOND, at maging si Regine.

Wow! Astig yun! Bossing on DOND! https://t.co/XbAodMTlQu

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

Dream naman daw niyang makasama si Joey de Leon.

Isa rin si tito Joey sa dream ko makasama! https://t.co/5uQAdMca3C

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

Sana raw pagkatapos manganak ay puwedeng maging guest player niya si Marian Rivera.

Sana pwede after giving birth! :) di pwede buntis sa amin e:) https://t.co/qxKPMby2ae

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

Nang mag-suggest ang isang netizen na si Maine Mendoza ang gawing guest, sagot ni Luis: “Hahahahaha!!! Medyo mahirap pero pwede!”

Hahahahaha!!! Medyo mahirap pero pwede! https://t.co/Y17W1nBU9Q

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

Sabi pa ng TV host-actor, matutuwa sila na i-guest ang mga artista mula sa kalabang TV network, “if only our respective stations would agree!”

We would love to, if only our respective stations would agree! :) https://t.co/O0fxn5hYiA

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 19, 2015

Sa huli, paalala ni Luis: “Like what i was saying regarding Kapuso artists guesting on Deal, it's not up to me, it's all up to our networks.”

Like what i was saying regarding Kapuso artists guesting on Deal, it's not up to me, it's all up to our networks 👍🏻

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 20, 2015

Samantala, ilan pa sa mga open na i-guest ni Luis sa kanyang game show ay sina Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, Sarah Geronimo at boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN