Enrique Gil and Liza Soberano confirm “exclusive” relationship

Enrique Gil on Liza Soberano: "Lagi naman kaming nandun para sa isa’t isa kahit anong mangyari. Kilala naman niya ako. Kilala ko rin naman siya. We know each other the most. Kaya we always support each other."


"Kahit hindi pa kami, basta exclusive. Alam mo yung bawal siya sa iba, bawal rin ako sa iba."

Ganito inilarawan ni Enrique Gil ang estado ng relasyon nila ngayon ng ka-loveteam na si Liza Soberano.

Sumang-ayon naman dito si Liza, na katabi lang ni Enrique, nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch nila bilang endorsers ng Bench at Kashieca, respectively.

"Opo, parang ganun," sambit ni Liza.

Ibig sabihin, hindi sila puwedeng makita na may ibang kasama?

Tugon ni Enrique, “Siyempre naman. Exclusive na exclusive.”

Kanino galing yung usapang “exclusive”?

Sagot uli ni Enrique, “Sa aming dalawa.”

Sumenyas si Liza kay Enrique at saka sinabi ng Kapamilya actor, “Saka para sa akin, siyempre 17 pa lang siya.

"Kahit hindi pa siya puwede, yung label-label na 'yan, wala naman talagang meaning 'yan para sa akin.

“Basta, alam ko special siya sa akin.”

Hindi ba lumiliit ang mundo nila dahil lagi silang magkasama at hindi sila puwedeng makitang may kasamang iba?

Sabi ni Liza, “Hindi naman.

"Kahit sinabi niyang exclusive, hindi naman yun totoo.

“Hindi naman yung kahit kasama mo yung kaibigan mo, pangit lumabas... hindi naman po yun ganun.

“Parang may usapan lang kami na parang hihintayin niya po ako.

Ako po, as long as I’m being truthful, yun po.”

IT IS FOR REAL? Totoo na ba yung love nila, at hindi ito dahil sa trabaho o team-up lamang?

Sagot ni Liza, “Hindi naman po namin iniisip na trabaho, e.

Sambit ni Enrique, “Sinasabi nila, ‘Anong secret ninyo sa chemistry ninyo?’

Patuloy ni Liza, “We [have] love for each other, [we’re the] best of friends.

Dagdag ni Enrique, “Ang secret ay walang secret. Ang secret, natural lang.”

Nasa anong stage na ba sila ?

Sagot ni Enrique, “M.U. Hindi, joke!

"Hindi, may two meanings—mutual understanding or murag uyab [salitang Cebuano], kung naiintindihan ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Binasaya.Com, ang ibig sabihin ng ‘murag uyab’ ay "a person who loves someone or is loved by someone."

Tinanong namin si Liza kung may mutual understanding na nga sila ni Enrique.

Nakangiting sagot niya, “Opo. Mutual naman yung feeling ko sa kanya, pero siyempre…”

Ibig bang sabihin ay mas tumatatag ang love team nila?

Pahayag ni Enrique, “Well, lagi naman kaming nandun para sa isa’t isa kahit anong mangyari.

“Kilala naman niya ako. Kilala ko rin naman siya.

"We know each other the most. Kaya we always support each other."

AIRPORT INCIDENT. Paano sinuportahan ni Liza si Enrique at ang love team nila noong kasagsagan ng issue tungkol sa airport incident ng young actor?

READ: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sabi ng Kapamilya actress, “Alam ko kung ano po talaga ang nangyari. Katabi po niya ako.

"Yun lang po ang masasabi ko. Ayaw ko nang balikan pa yung issue kasi matagal nang tapos na.

"Bakit kailangang palakihin pa? It’s alright."

Sabi naman ni Enrique, “Iba’t ibang istorya yung lumalabas.

"At least kami, alam naming magkasundo kami.

"So, yun na yun."

Hindi ba masakit sa dalawa na iba’t ibang istorya ang lumalabas tungkol sa airplane incident?

Komento ni Enrique, “Well, alam po ninyo, sa industry po natin, dapat sanay na tayo [sa intriga]."

Sabi naman ni Liza, “Hindi po natin masasabi kung ano yung totoo.

"It’s all up to you guys kung ano po ang iisipin ninyong totoo."

Dagdag ni Enrique, “Para sa akin, habang tumatagal, ang daming dumadagdag.

"Parang pahaba pa nang pahaba yung istorya, 'Ah, may ganito na.'

“Wala tayong magagawa. Naririnig natin ito sa iba’t ibang tao.

“So, nagdagdag yung iba. Yun ang trabaho nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We cannot do anything about it. So, yun na yun."

Ngayong nalampasan na niya ang controversial airport incident, kampante si Enrique na kaya nilang labanan ni Liza ang anumang pagsubok.

"Of course, kahit super typhoon pa 'yan," sabi ni Enrique.

UNDERSTANDING EACH OTHER. Paano nila iniintindi ang isa’t isa?

Sagot ni Liza, “Lagi kaming magkasama araw-araw.

"Siyempre, minsan may disagreement din kami sa isa’t isa.

"Pero at the end of the day, kami ang partner, e. Kami ang magkasama.

“We have to make the best of it. We’re best friends naman.

"Siguro may tampuhan, pero at the end of the day, friends pa rin."

Paano nila inaayos ang kanilang tampuhan? Sino ang naggi-give in?

Pag-amin ni Liza, “Ako ang madalas unang mag-sorry.

"Kasi minsan, pag pagod, alam mo yung parang cranky?

"Sa kanya ko lang ipinapakita kung saan ako kumportable.

“‘Kain ka na [sasabihin ni Enrique].’"

Sasagot naman daw si Liza na ayaw niyang kumain.

Dagdag ng dalaga, “Parang pag pagod lang, gusto mong matulog.

"Pero wala lang yun. Parang kiddie fight lang.

"Hindi naman siya malaki."

Tanda ba ng totoonog pagmamahal ang pagkamaunawain ni Liza kay Enrique?

Tugon ni Liza, “Hindi naman po. Our friendship.

"Kung ano meron ako... kasi lagi kaming magkasama.

"We built this special relationship with each other na parang we understand each other.

“May languages na parang kami lang ang nagkakaintindihan.”

Sinabi rin ni Liza na pumapayag na ang tatay niyang tumanggap siya ng manliligaw.

Pero umiling ang 17-year-old actress nang tanungin kung puwede na siyang magka-boyfriend kapag18 years old na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN