Roxanne Guinoo rejects kissing and bed scenes now that she's a mother

Roxanne Guinoo on her limitations as an actress: “Siyempre, may asawa na ako at saka yung mga anak ko nanonood. Kumbaga, parang ang ipinakiusap ko naman po, yun lang. Kasi siyempre, respeto ko sa asawa ko at mga anak ko."


Ngayong nagbabalik-telebisyon si Roxanne Guinoo, inamin niyang may limitasyon na siya sa pagtanggap ng roles dahil may asawa na siya at mga anak.

Kasama si Roxanne sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na Walang Iwanan.

Saad niya, “Siyempre, may asawa na ako at saka yung mga anak ko nanonood.

“Kumbaga, parang ang ipinakiusap ko naman po, yun lang.

"Kasi siyempre, respeto ko sa asawa ko at mga anak ko.

“So, nag-meet naman po. Pumayag naman po ang management [ng ABS-CBN].

“Pumayag naman po ang mga bossing. So,okey lang.

"Mas relax akong magtrabaho kasi hindi ko masasagasaan yung asawa ko [Fil-Chinese businessman Elton Yap], yung mga anak ko."

Patuloy ni Roxanne, “Kasi noong nag-Pyra ako [sa GMA-7], sabi ng anak ko, ‘Why are you hugging that man? That’s not my daddy!’

“'Yan yung panganay. Five years old na yung panganay ko. Magti-three naman yung bunso.

“So, medyo talagang kailangang mabantayan rin.

"Saka ayoko ring maapektuhan yung emosyon ng mga anak ko.

“Eto, kinukuwento ko naman sa kanya [her eldest child] that I’m the mom of those kids.

"‘That’s my work,' ini-explain ko sa kanya.

“Kasi po, yung ibang bata, parang masyado na silang matanong.

"As much as possible, nili-limit na lang po namin na ipapanood sa kanila para hindi na ma-confuse yung mga bata."

Eksklusibong nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa Mega Fashion Hall, Megamall, Mandaluyong City.

NO FULL-TIME SHOWBIZ WORK. Nagsisimula nang umere sa ABS-CBN, ang istasyon kung saan siya nagsimula, ang comeback series niyang Walang Iwanan.

Nawala sa sirkulasyon si Roxanne pagkatapos niyang mag-asawa at mabuntis sa kanyang panganay na anak. Nasundan pa ito ng isa pang supling.

Pero hindi niya raw niya mai-consider na nagpahinga siya nang matagal sa showbiz dahil may pasulput-sulpot siyang trabaho.

“Sumusundot naman po ako ng mga raket-raket. Nag-GMA ako, nag-TV5 ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko kayang mag-full time kasi mas gusto kong tutukan yung mga bata lalo na pag newborn. Talagang hands-on.

“Kahit naman ngayon, e. In between, bumabawi ako sa kanila, naghahatid-sundo ako sa mga anak ko.

“Humahabol sa akin yang mga ‘yan.

"Malapit sa akin yung mga anak ko. Katabi kong matulog ‘yan.

“Saka kahit may tagapag-alaga sila, once na nandiyan ako, mommy sila nang mommy.”

May cut-off ba siya sa trabaho lalo’t may mga anak siyang naghihintay pag-uwi niya?

Ayon kay Roxanne, “Wala po. Wala naman.

"Kasi yung mga bata [her young co-stars], may cut-off.

“Maaga silang natatapos. Blessing po.

“Saka kung maliit man, parang pakikisama na rin.

"At least, matapos na yung mga sequences na kailangang tapusin.

“Ang pinaka-late na namin ay 4 A.M., pero usually mga 12 midnight, 1 or 2 A.M. ang packup.

“May time pa akong makabawi ng tulog, makakapaghatid pa ako sa mga anak ko sa school the next day.”

BACK TO ABS-CBN. Aminado si Roxanne na na-miss niya ang Kapamilya network.

“Iba pa rin kung saan ka nagmula.

"Mas gamay mo, mas sanay ka. Alam mo ang lakaran.

"Saka iba na ang set-up ngayon. Mas masaya na yung mga grupo, compared dun sa mga naiwanan ko.

“Ngayon, mas light lang. Mas mababait ang staff, mas maalaga sa amin.

“Saka iba rin yung treatment kasi alam nilang pamilyado ka na. Mas nag-iba.

"Nag-iba lahat. Mas masarap magtrabaho, yung ganun."

Nagagaanan si Roxanne sa trabaho niya ngayon.

“Itong grupong napasukan namin, ang gaan lang sa lahat.

"Magaan para sa bawat artista, sa mga bata.

“Siguro dahil may mga kasamang bata. Kaya medyo nali-limit din yung pressure, yung galit ng mga adults.

“Okey, kahit pagod na, nagmamadali. Hindi kayang mang-award [pagalitan o tarayan] kasi kinu-consider din yung mga bata.

“So, advantage din yun sa amin.”

WORKING WITH EX-BOYFRIEND. Consistent naman si Roxanne sa pagsasabing bukas siya sa posibilidad na makatrabaho ang ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Okey lang naman. Trabaho lang naman.

"Saka nakaraan na yun, tapos na.

“May kanya-kanya na kaming buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN