Megan Young mourns death of Miss Austria 2013

Isang madamdaming mensahe ang ipinahatid ni Megan Young sa pagkamatay ng kanyang kapwa kandidata sa Miss World 2013 na si Ena Kadic ng Austria. Sumakabilang-buhay ang Austrian beauty queen matapos mahulog sa bundok habang nagdya-jogging.


Kabilang ang Miss World 2013 Megan Young sa nalungkot dahil sa pagkamatay ni former Miss Austria Ena Kadic.

Nasawi ang 24-year-old Austrian beauty queen nang aksidente itong mahulog sa bundok habang nagdya-jogging noong October 19.

Ka-batch ni Megan si Ena sa Miss World 2013 na ginanap sa Bali, Indonesia.

Isa si Ena sa naging close kay Megan habang nasa naturang pageant sila.

Nag-post ng isang malungkot na mensahe ng pamamaalam kay Ena si Megan sa kanyang Instagram account noong October 20:

“Rest in peace my dear sister, Ena. She represented Austria in Miss World in 2013.

“It really saddens me that such a tragic accident had to happen to such a beautiful soul.

“I am thankful I got to meet you in Bali and stand on the same stage as you. You were a kind hearted and lovely lady.

“Batch 2013 won't be the same. Bless your soul, Ena.”

TRAGIC ACCIDENT. Ayon sa report ng Mirror Online noong October 20, regular na nagdya-jogging si Ena sa Bergisel Mountain, na nasa hometown nito na Tirol sa Austria.

Aksidente siyang nahulog ng higit 30 meters mula sa daan na nakasanayan nang takbuhin ng former beauty queen.

Nag-suffer ng serious head trauma at injuries sa kanyang lungs at pelvis si Ena.

Dinala si Ena via air ambulance sa isang ospital sa Innsbruck University.

Nagawa pa raw nitong tawagan ang kanyang kapatid na lalaki para sabihin na naaksidente siya. Pero bigla na lang daw itong nawalan ng malay.

Sumakabilang-buhay si Ena noong umaga ng October 20.

Naglunsad ng isang imbestigasyon ang mga awtoridad tungkol sa aksidente ni Ena.

Gusto nilang malaman kung paano naaksidente si Ena kung kabisado na nito ang kanyang tinatakbuhan na daan sa bundok.

Nanalo bilang Miss Austria noong 2013 si Ena.

Lumaban siya sa Miss World 2013, na ginanap sa Bali, Indonesia, kunsaan ang nanalo ay si Miss Philippines Megan Young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos niyang makauwi from Miss World, bihira na raw makita si Ena ng publiko.

Sa isang interview niya sa Seitenblicke magazine, sinabi ni Ena: “The media, the events, the parties—that life did not make me so happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN