Tom Rodriguez and Carla Abellana firm about their "no-label relationship"

Mahigit isang taon na ang espesyal na samahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, pero hindi naman daw nila kailangan ng opisyal na pag-amin sa publiko kung anuman ang namamagitan sa kanila. Masaya raw sila kung anong meron sila ngayon.


Sumentro sa usaping pag-ibig ang mga naging katanungan kina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang No Boyfriend Since Birth, nitong Lunes ng gabi, October 20.

Lagpas na kasi ng isang taon ang relasyon ng dalawang Kapuso stars na hindi naman nila binibigyan ng label.

Pero natapos ang presscon na walang nahita ang press sa kanila. Hindi pa rin umamin sina Carla at Tom kung sila na nga ba.

Napagod na ba si Tom sa kakasagot ng tungkol sa kanila ni Carla?

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman siguro ako napapagod.

"Pero I feel na I’ve answered it before, na kapag sinasabing repeat the lines, ganun.

“Kaya I don’t know what more I have to say.

"I’ve said parang everything that I wanted to share.

“Gusto ko yung sinabi ni Direk [Joey Reyes], e, na we would like... for me at least, that I would like to keep private din, parang compartmentalized…

"Sa industry that I am in now, and I fully understand it, that everything should be out there almost like a public property.

“Yes, I am a public property, pero in a way, siguro we have some things na we would like to put sana [in private].

“Pero, like I said, what you see is what you get.”



“VERY HAPPY.” Tanong namin kay Tom: Masaya ba ang puso niya ngayon?

Tugon ng Kapuso actor, “Very, very happy.”

Lagi ba silang lumalabas ni Carla for a date?

Huling namataan ng PEP ang dalawa sa premiere night ng Heneral Luna noong September 6.

View Gallery: Real-reel life loveteams Carla Abellana and Tom Rodriguez & Lovi Poe and Rocco Nacino grace Heneral Luna premiere

Sabi ni Tom, “Lagi naman, e.

"Every chance we get, like gym, to hear mass, recently sa Mystery Manila...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So we try to make time."



RIGHT AGE. Sa hiwalay na panayam ng PEP at 24 Oras, muli naming inusisa sina Carla, 29, at Tom, 28, kung bakit ayaw pa nilang umamin kahit nasa tamang edad na sila.

Tugon ni Tom, “Walang humahadlang. Everything has been going great…”

Bakit hindi pa rin nila masabing “Yes, we are in a relationship”?

Sagot ni Tom, “That’s up to you guys, e.

"We’re on track on whatever we’re nurturing. I feel like everything is [good]."

So, hindi kailangan ng official na pag-amin?

Sagot ni Carla, “Hindi kailangan ng official.

"Ako kasi, honestly, my God, pinalaki ako sa ligaw, tradisyon.

"Kailangan na dumaan sa mahabang nakakapagod na proseso para makuha ang matamis na oo.

“Siyempre, laki ako sa lola ko.

"Pero hindi naman nag-work... yung relationship with somebody na matagal-tagal na ligawan, naipakita lahat ng intentions, pero hindi nag-work.

“I don’t think naman din na kasalanan na yun doon na hindi porke’t nangharana yung lalaki ay mag-work yung relationship.

"So, depende talaga.

"Walang assurance kung mag-work ang isang relationship or not. So, ganun.

"Dun talaga kami sa proseso na ingatan na lang natin kung ano yung nandiyan."

Nagkasundo naman ang dalawa na "action speaks louder than words" pagdating sa pagtingin ng mga tao sa kanilang relasyon.

Ani Carla, “Mas importante yung how you execute, how you express.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN