Carla Abellana explains why she and Tom Rodriguez refuse to put label in their relationship

Carla Abellana hoses down enthusiasm of fans about the status of her relationship with Tom Rodriguez. The Kapuso actress says, “Super lagi talaga silang nag-a-attempt na pigain kami o paaminin kung ano talaga kami. Kami naman, 'Hindi, wala talaga.' Every chance we give, kukulitin nila kami, buti na nga lang they are understanding enough."


Sa kabila ng pag-amin nina Carla Abellana at Tom Rodriguez na mahigit isang taon na silang "exclusively dating," marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila gawing pormal ang anumang namamagitan sa kanila.

Bakit kasi sa kabila ng kakaibang kilos at tinginan nila sa isa't isa, hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan ang totoong estado ng kanilang closeness.

Pahayag ng Kapuso actress, "Hangga't ano... ano nga ba?

"Siyempre alam naman namin na naguguluhan ang mga tao, dahil wala talagang label.

“Wala kaming maitawag dun sa anumang whatever relationship we have.

"Although, ang dali-dali namang pumili, na parang multiple choice—boyfriend, girlfriend, di ba? Mutual understanding, dating...

"Andun pa rin kami sa dating.

"Ba't nga ba... kasi parang ang hirap na lagyan ng label.

“If we put a label, automatic nang magkakaroon ng… may expectations na, may pressure na.

"So, I guess... hangga't di talaga namin nadi-define what we have, people will still keep guessing and assuming.

"Sa akin, it's okay din naman, kasi alam din naman namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng pelikula nila ni Tom na No Boyfriend Since Birth ng Regal Films, sa Valencia Events Place, San Juan City, Lunes ng gabi, October 20.

NAGGING FANS. Pero dahil pareho silang public figure at sila ang bida sa pelikulang ito, marami ang nagsasabing karapatan din ng mga tagahanga't supporters nila na malaman ang totoong namamagitan kina Carla at Tom.

Nakangiting pahayag ng 29-year-old actress tungkol dito, "Yeah, sa fans namin, sila na rin ang nagbibigay ng labels.

"Alam naman nila, basang-basa na nila kami.

"Though they maybe fans, alam nila kapag nakikita nila ako.

"My gosh, sila pa nga ang unang nagpu-post ng mga picture na nagdi-date kami, kung saan man kami—sa mall, sa moviehouse.

"Sila pa ang unang... buti naman, we have fans who understand na parang, 'O, sige, sa atin-atin na lang.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung, 'Oy, nag-date naman sila,' yung mga ganyan.

"Although wala talaga kaming confirmation [ni Tom], they are understanding enough naman."

Baka nga raw sa mga tagahanga nila ay inaamin nilang sila na, pero hindi lang nila maamin ito sa press.

Natatawang pagkontra ni Carla, "Hindi naman din.

"Kasi, honestly, kapag nagkikita kami, like intimate gatherings with them, my gosh!

“Super lagi talaga silang nag-a-attempt na pigain kami o paaminin kung ano talaga kami.

"Kami naman, 'Hindi, wala talaga.'

"So, every chance we give, kukulitin nila kami, buti na nga lang they are understanding enough.

“Para lang na, 'Sige, guys, i-respect na lang natin kung wala talagang label. Kung wala tayong makuhang anuman from them,' yung ganyan-ganyan."

NEGATIVE PERCEPTION. Sa paningin naman ng iba, ang pagdi-date nila ng mahigit isang taon na ay hindi advantage sa kanya bilang babae.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Carla, "Parang pangit? Parang talo ako?

"Hmmm, mas importante kasi sa akin yung kung ano talaga meron kami outside of work.

"Mas importante yun, mas importante kung ano ang napag-uusapan namin kapag kaming dalawa lang.

"Mas importante yung Tom na kilala ko, let's say nag-dinner kami o nag-movie date kami.

"Kaysa naman dun sa... kumbaga, sa akin, okey na yun.

"Yun naman ang importante sa akin, yung kilala ko talaga siya after work, yung totoong Tom.

"Honestly, di naman talaga ako natatakot."

Dugtong pa niya, "Some people say, 'O, walang definte label, parang di maganda, di ba?'

"Parang di ka secure or whatever.

"If ako naman, if you ask me, honestly, hindi talaga ako... wala akong takot, walang...

"Ang importante talaga ay kilala ko siya sa outside world.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN