Jhong Hilario on entering politics: "It’s time to give back sa mga blessing na natatanggap ko."

Jhong Hilario has his father, last-termer Councilor Virgilio Hilario, as his role model: “Nakita ko habang lumalaki ako na nasa politics siya, minahal siya ng tao, wala kang makikitang negative... kaya idol ko siya. Bukod sa pagiging Kursilista niya, siya ang bumubuo ng mga kursilyo.”


Nag-file na ng kanyang certificate of candidacy ang actor-dancer na si Jhong Hilario.

Tatakbo siya sa pagka-konsehal sa unang distrito ng Makati City.

Ayon kay Jhong, “It’s my dad’s last term na and I will also run as councilor.”

Ang ama niya ay si Councilor Virgilio Hilario.

Kaya ba siya papasok sa pulitika ay dahil nasimulan na ito ng ama niya at huling termino na nito?

Paliwanag ni Jhong, “Kasi ang dad ko, eighteen years siyang barangay captain hanggang sa naging councilor.

“Nakita ko habang lumalaki ako na nasa politics siya, minahal siya ng tao, wala kang makikitang negative.

“Siguro kung may negative man, sinisiraan siya, kaya idol ko siya.

“Bukod sa pagiging Kursilista niya, siya ang bumubuo ng mga kursilyo.”

Dagdag niya, “Wala naman siyang ibang pagbibigyan kung hindi sa akin.

“At saka, nakikitaan din niya ako, na kahit nasa It’s Showtime ako, nakakatulong ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jhong sa nakaraang presscon ng Walang Iwanan, ang kanyang bagong teleserye sa ABS-CBN.

GIVING BACK. Paano ang mga trabaho niya?

“Well, kung mahahati naman, kung matatawid naman natin sa schedules, bakit hindi?

“Pero siyempre, yung priority ko ngayon, yung politics.”

Dati pa raw siyang sumasama sa tuwing may events at kailangan ang tulong niya.

Taun-taon din daw niyang ginagawa yung pagtulong sa mga special children.

Sabi niya, “It’s time to give back sa mga blessing na natatanggap ko.

"Sabi ko nga, I’m so blessed sa mga nangyayari sa akin ngayon.

“Ni sa panaginip noong bata ako, hindi ko inakala, kasi naglalaro ka lang dati, tropa-tropa.

“Dumating ang Streetboys ko, naging actor ako, nagkaka-award sa acting, nakapag-host ng Showtime.

“Lahat yun, parang kahit hindi ako college graduate, sobrang achievements na ang mga natatanggap ko.

“Napagbigyan ako ni God ng ganitong talents.”

TRUE-TO-LIFE. Sa bagong panghapong serye ni Jhong, kontrabida raw muli ang karakter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Walang Iwanan ang pumalit sa timeslot ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Kung nasubaybayan niyo ang Mara Clara, mala-ganun, with a twist.

“Medyo masama tayo rito, pero may reason naman kung bakit ako nagkakaganun,” sabi ni Jhong.

Ang karibal ni Jhong kay Roxanne Guinoo sa teleserye ay si Joem Bascon.

Naanakan ni Joem si Roxanne, pero siya ang sumalo rito at nagkaroon pa sila ng limang anak.

Ayon kay Jhong, “Hindi ko matanggap nang gusto nang kunin ni Roxanne yung bata sa lola nito.

"Kasi naaalala ko yung tatay na mas pinili kesa sa akin.”

Malaki raw ang kaibahan ng teleserye nila sa mga nauna nang teleserye na may mga bidang bata at ulila.

“Unang-unang difference ng soap na ito, this is true-to-life. Na-feature siya sa MMK [Maalaala Mo Kaya] before.

“Tapos ginawa siyang teleserye, totoong nangyari ‘to, hindi ito script lang.”

Naniniwala raw si Jhong na epektibo pa rin ang mga teleseryeng nagpapakita ng totoong buhay ng mga tao kahit na talamak na ang social media ngayon.

Saad niya, “Yes, oo.

“Ang panlaban naman kasi rito, tulad nito, it’s a real story.

“Hindi ito ginawa lang na parang imposibleng mangyari.

“At nang makita ko ang acting ng mga bata, talagang magagaling.

“Habang tumatagal, makikita mong naa-adapt nila ang role nila.”

Nagkasama na rin daw sila dati ni Roxanne sa Wansapanataym, pero dalaga pa raw noon ang aktres.

“Mother role na siya at medyo nakita ko yung improvement from tweetums.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN