Korina Sanchez criticized over photo of her falling in line at the airport

May ilang netizens ang bumatikos sa veteran broadcaster na si Korina Sanchez nang i-post niya sa social media ang larawan niya habang nakapila papasok sa NAIA Terminal 3. May mga nakapansin din sa pag-edit ng misis n presidentiable Mar Roxas sa caption ng nauna niyang post sa social media.


Usap-usapan sa social media ang larawang ipinost ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez noong nakaraang linggo kung saan makikitang nakapila siya papasok ng airport.

Sa nasabing larawan, makikita ang ABS-CBN anchorwoman kasama ang iba pang mga pasahero na nakapila sa may labas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, sa Pasay City.

Papuntang Cebu si Korina upang magbigay ng speech sa convention ng Integrated Midwives Association of the Philippines, Inc., ayon sa report ng manilastandardtoday.com.

Nai-post ang nasabing larawan sa Facebook account ni Korina noong October 16, Friday.

Caption umano ni Korina sa nasabing larawan: “On my way to Cebu for a speech. Aba, opo, pumipila po ako haha!”

Nang i-check ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nasabing larawan sa Facebook account ni Korina ay wala na ito.

Binanggit din sa report na may mga bumatikos sa post ng asawa ni Mar Roxas, ang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections.

Kabilang sa mga komento ng netizens ay ang pagtuligsa sa ginawa ni Korina na diumano’y “pakitang tao.”

Sa Instagram account naman ni Korina, makikita pa ang nasabing larawan.

On my way to Cebu for a speech.

A photo posted by Korina Sanchez-Roxas (@thisiskorinasanchezroxas) onOct 15, 2015 at 6:20pm PDT

May caption itong: “On my way to Cebu for a speech.”

Pero sa comments section, may mga nakapansin sa diumano’y pag-edit ni Korina sa caption ng photo dahil wala na raw ang "opo pumipila po ako.".

Bukas ang PEP sa panig ni Korina kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN