Richard Gomez tries his luck again for mayoralty race in Ormoc City

Richard Gomez on wanting to work alongside wife Lucy Torres-Gomez in Ormoc City: "The reason kung bakit gusto mo na kasama mo yung malalapit sa ‘yo is gusto mo na magtulungan kayo, e. Basically, if you want to maximize yung puwede mo magawa sa isang lugar, kung gusto mo magkaroon ng magandang change, kung gusto mong magdala ng kaayusan sa isang lugar, kailangan talaga magka-tandem kayo, e. Kailangan magka-team kayo."


Wala raw sana talagang balak tumakbo sa 2016 elections ang aktor na si Richard Gomez.

Pero sa last day of filing ng certificate of candidacy (COC) noong Biyernes, October 16, nagbago ang kanyang desisyon.

Nag-file siya ng COC para sa pagka-alkalde ng Ormoc City, sa Leyte.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was really a big decision on my part to do that, kasi ang daming sacrifices na kailangan kong gawin.

“Yung trabaho ko dito sa Manila, sa TV, at saka sa movie, definitely masa-sacrifice yun.

"In fact, all throughout, until bago [magtapos] ang filing, buong puso ko na alam ko na, na hindi ako magpa-file, hindi ako tatakbo.”

Ano naman ang magiging plataporma niya kung sakaling mahalal siya bilang mayor ng Ormoc?

Sagot ni Richard, “Change. Stop corruption, i-improve yung tourism sa Ormoc City.

"Kasi we were very rich in natural resources, e, and it has to be maximized.

“The only way we can do that is you really have to win the position in the city.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Richard sa grand presscon ng upcoming teleserye na You’re My Home, Miyerkules ng gabi, October 21, sa Dolphy Theater, sa may ABS-CBN compound.



NOT TIRED. Bakit hindi siya sumusuko na masungkit ang pagka-mayor sa hometown ng kanyang asawang si Representative Lucy Torres-Gomez?

Ito na ang pangalawang attempt ni Richard sa parehong posisyon.

Una siyang tumakbo noong 2013 elections ngunit natalo siya.

Sagot ng 49-year-old actor, “Fighter ako, e, ganun talaga, e.

"And I support si Lucy as our congresswoman.

"Kasi, mas mararaming magagawa si Lucy dun sa lugar namin kung ang kasama niya ay kapartido niya, makikipagtulungan sa kanya.

“Pero kung habang kinukontra siya, hindi niya mama-maximize yung kaya niyang magawa sa lugar.”

Sa ngayon ba, ano ang tsansa niya? May hawak ba silang survey?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Richard, “Mahirap magbuhat ng sariling bangko, pero lahat naman may chance.

"It’s really, I guess, the way you run your organization, how you do your operation, and how you convince the people na ikaw ang pipiliin nila sa takdang araw."



COUPLE IN POLITICS. Sa ngayon, marami nang mag-asawa ang parehong nanunungkulan sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Ano ang masasabi niya rito?

Saad ni Richard, “Ganun talaga ang politics, e.

"The reason kung bakit gusto mo na kasama mo yung malalapit sa ‘yo is gusto mo na magtulungan kayo, e.

“Basically, if you want to maximize yung puwede mo magawa sa isang lugar, kung gusto mo magkaroon ng magandang change, kung gusto mong magdala ng kaayusan sa isang lugar, kailangan talaga magka-tandem kayo, e.

"Kailangan magka-team kayo.”

Hindi ba nila binalak ni Lucy na magpalit ng tatakbuhang posisyon—siya sa kongreso at ang misis sa pagka-mayor?

Sagot ni Richard, “Hindi. Si Lucy kasi is doing well sa Congress.

"And she’s on her third term.

"Dadating din naman yung panahon na matatapos din siya dun sa posisyon niya and puwede na siya lumipat sa ibang posisyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN