Matteo Guidicelli defends KZ Tandingan against bashers: "Maraming feeling may alam sila pero wala naman talaga.”

Matteo Guidicelli says he easily get close to fellow Cebuanos, like KZ Tandingan and Morrisette Amon. He says, “Kasi I want the Cebuano clan to bond, di ba? Kasi, kumbaga, represent mga Bisaya at yung mga Cebuano.”


Dinepensahan ni Matteo Guidicelli si KZ Tandingan laban sa mga bashers dahil sa nakaraang interview ng huli sa Tonight With Boy Abunda.

Hindi naging maganda ang dating sa ilang fans ng sinabi ni KZ tungkol sa relasyon nila ni Matteo sa panayam sa kanya ni Boy Abunda kamakailan.

Sa nasabing interview ay natanong ang Kapamilya singer kung nanligaw ba sa kanya si Matteo, ang kasalukuyang boyfriend ni Sarah Geronimo.

Bukod sa na-cut ang panayam bago niya sagutin, hindi rin agad nasagot ng “Mahal Ko O Mahal Ako” singer na magkaibigan lamang sila ni Matteo.

Dahil dito, inisip ng ilang nakanood na nais lamang ni KZ na makakuha ng atensiyon dahil sa kanyang sagot.

Depensa naman ni Matteo sa kaibigang singer, “Alam mo, di kasi nila maintindihan.

"Kasi, when you're watching TV, kapag nakaharap ka sa TV, nakakakaba. Kapag may camera tapos si Tito Boy...”

Dagdag ng actor-singer, “Naaawa ako kay KZ, ang daming bashers.

“Maraming bashers, maraming feeling may alam sila, pero wala naman talaga.

“KZ and I are very, very good friends.

“She's one of the best hearts in the world.”

Para linawin ang pagiging close niya kay KZ, sabi ni Matteo, “She's a Cebuana, she's a Bisaya, that's why we're close.

“Alam naman natin kapag a Bisaya meet yung kapwa niya, parang automatic na close agad.

“I guess na-misunderstood lang siya ng mga tao.

“KZ and I are close, and Morissette [Amon] din.

“Kasi I want the Cebuano clan to bond, di ba?

"Kasi, kumbaga, represent mga Bisaya at yung mga Cebuano."

Si KZ ang special guest noon ni Matteo sa Dreamboys concert nila nina Daniel Matsunaga at JC de Vera.

Sa November 28, magkakaroon naman ng solo concert si Matteo, ang MG1, sa Music Museum.

Dito ay makakasama naman niya sina Martin Nievera at Morisette Amon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN