Claudine Barretto feels showbiz industry still loves her

Claudine Barretto on how the success of Etiquette for Mistresses helped her: “Talagang na-boost uli yung self-esteem ko saka yung self-confidence ko. At least ngayon na-feel ko na mahal pa pala ako sa industriya.”


Nakatulong daw ang magandang reviews at mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang comeback film na Etiquette forMistresses para manumbalik ang tiwala ni Claudine Barretto sa kanyang sarili.

Pahayag ng aktres, “Sobrang thankful talaga ako.

“Up to now, nao-overwhelm ako sa sobrang dami ng magagandang reviews.

“Saka yung pagmamahal talaga ng tao, di lang ng Claudinians, kundi ng maraming tao para sa akin after five years, malaking bagay kasi yun, e.

“Talagang na-boost uli yung self-esteem ko saka yung self-confidence ko.

"At least ngayon, na-feel ko mahal pa pala ako sa industriya."


Malaking tulong din daw nagawa ng Etiquette For Mistresses sa personal na buhay ng aktres.

Bukod sa ito ang comeback movie ni Claudine, naging daan daw ang pelikula para makatagpo ang aktres ng mga totoong kaibigan.

Saad niya, “Every time kaming magka-FaceTime ni Cheena [Crab], parang kami yatang mag-dyowa.

"We will always be solid kasi yung nabuo naming friendship dito saka yung teamwork, forever yun."


NEW MOVIE. Samantala, naghahanda na si Claudine para sa kanyang follow-up movie.

Makakatrabaho muli ni Claudine si Wenn Deramas, na naging direktor niya sa mga teleserye gaya ng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo Ng Walang Hanggan, Marina, at Walang Kapalit (2007).

Ayon pa sa aktres, “I think it’s under Star Cinema and Viva. Ang title niya is Pinilit Kong Limutin Ka.


“Confidential pa yung leading man, pero nakatrabaho ko na.”

Masayang-masaya raw si Claudine na magkakatrabaho silang muli ng itinuturing niyang mentor sa showbiz.

“Sobrang excited!

“Kasi, parang after five years of not being able to shoot, to do a movie, to do a teleserye, ang unang pelikula ko, may reunion kami ni Direk Chito Roño saka ni Kris [Aquino].

“So, hindi ako masyadong kinakabahan.

"Tapos, lalo naman si Direk Wenn, kasi mentor ko yun at talagang doon ako nahasa sa lahat ng aspeto ng buhay-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para makatrabaho ko uli si Direk Wenn, parang ibinibigay talaga sa akin ni God, ng Star Cinema saka ng Viva, yung mga tao na kumportable akong makatrabaho.

“Hindi yung nangangapa pa ako, yung ganun.”


TELESERYE. Kamakailan ay nag-post si Claudine sa Instagram ng gagawin niyang episode para sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

Kaya marami sa mga tagahanga ng aktres ang nag-aabang ng pagbabalik-serye niya.

Pero sabi ni Claudine, “Focus muna ako sa paggawa ng movie.

"Tutal naman, malapit na namang mag-end ang year, so next year na.

“Pero kung mauna ang teleserye, kung ano ang mauna sana.

“Pero definitely hindi sabay. Hindi ko na kayang magsabay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN