Kim Chiu refuses to put label on relationship with Xian Lim

Ayon kay Kim Chiu, masaya sila ni Xian Lim kung anuman ang meron sila. Pero hindi naman sinagot ng Kapamilya actress ang tanong kung talaga bang nililigawan siya ni Xian.


Matagal-tagal na ang 'ligawan stage' ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

Sa mga panayam ng dalawa, madalas nilang sabihin na "malapit na" tuwing natatanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pero magpahanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang tungkol dito.

Kaya nang makausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay tinanong namin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na paliwanag kung ano na ang totoong estado nila ni Xian.

Sagot niya, “Kami ni Xian, masaya naman kami. Happy naman kami.

“And ano, sobra kaming thankful sa lahat ng mga blessings na dumating sa amin.”

Masasabi ba niyang hanggang love team na lang talaga ang kanilang samahan?

“Tingnan natin. Pero masaya kami, kumportable kami sa isa’t isa and he brings out the best in me,” sabi ni Kim.

Nanligaw ba talaga si Xian sa kanya?

Nakangiting sagot ni Kim, “Grabe! Paano na naman ‘to? Ikaw talaga.”

Ano ba ang humahadlang sa kanila na aminin kung sakaling mayroon na talaga silang relasyon?

Aniya, “Hindi naman kailangan ng label.

"As long as dalawang tao masaya and kumportable sila and mutual yung pagkakaintindihan nila, so okay na."

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng entertainment press si Kim sa launching ng bago niyang endorsement, ang FatOut herbal dietary supplement, ngayong Huwebes ng hapon, October 22, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



UPCOMING PROJECTS. May balita namang magtatambal sa isang proyekto sina Kim at Piolo Pascual.

May update na ba siya tungkol dito?

Sabi ni Kim, “Di pa sure.

“Oo, lagi nga niyang [Piolo] sinasabi sa akin, pero sabi ko, ‘Naku, maniniwala lang ako kapag nandiyan na tayo sa totoong lugar kung saan nagti-tape na, nagsu-shoot na.’”

Ibinalita naman ni Kim na tuloy pa rin ang pelikula nila ni Kris Aquino na All You Need Is Pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong gabi, October 22, na raw ang kanilang meeting tungkol sa Metro Manila Film Festival entry na ito.

Pero hindi pa raw alam ni Kim kung sinu-sino na ang kasama sa final cast.

Bukas, October 23, naman daw ang kanilang first shooting day.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN