Ejay Falcon says friendship with Ellen Adarna is more important than having a relationship

Ejay Falcon not in a hurry to have a lovelife: "Hindi naman ako nagmamadaling magkaroon kasi busy rin ako sa career ko. Kung darating ang lovelife, darating. Masarap din kasi ang may lovelife."


Natutuwa si Ejay Falcon dahil sa consistent na mataas na ratings na nakukuha ng ABS-CBN primetime teleseryeng Pasion de Amor, kung saan isa siya sa mga bida kasama sina Jake Cuenca, Joseph Marco, Arci Muñoz, Coleen Garcia, at Ellen Adarna.

Kaya nagpapasalamat siya sa loyal viewers at supporters ng kanilang teleserye.

Sabi ni Ejay, “Maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta sa Pasion de Amor.

“Yung Book 1 sinuportahan nila, sigurado yung Book 2, mas maganda.

“And maraming-maraming salamat kasi kung hindi dahil sa kanila, wala kaming Book 2.

“Magtatagal pa kami, aabutin pa kami next year.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ejay nang ipakilala siya bilang bagong celebrity endorser ng New Placenta For Men, ang herbal soap na produkto ng Psalmstre Enterprises Inc., sa presscon na ginanap sa Illumina Residences sa Sta. Mesa, Manila, noong Oktubre 22.

Nakasama niya sa presscon ang CEO ng Psalmstre na si Jim Acosta at ang endorser ng New Placenta for Women na si Miss Earth Air 2012 Stephany Stefanowitz.

Ang pagiging celebrity endorser niya ng New Placenta For Men ay maituturing na homecoming para kay Ejay dahil una na siyang naging endorser ng Olive-C soap, isa pa sa mga produkto ng Psalmstre, noong 2008 matapos siyang itanghal bilang Teen Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.



ELLEN ADARNA. Sa tingin niya, mas uminit at napag-usapan ba ang Pasion de Amor dahil sa mga isyung lumabas lalo na tungkol sa kanila ni Ellen?

“Sa mga isyung pinalaki niyo!” biro ni Ejay.

Pero nakatulong din ba ito in a way?

Sagot ng Kapamilya actor, “Oo, sa tingin ko naman talaga.

“Kasi lahat naman nakakatulong, e, pinag-uusapan siyempre.

“Ang importante doon, may mga nalinis kaming mga isyu, di ba?

“Naging malinaw na lahat sa amin, naging klaro na sa amin.”

Ano ang naitulong nito sa kanila ni Ellen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na makapag-usap kami, maging open kami sa isa’t isa.

“Kailangan talaga naming pag-usapan kasi siyempre kailangan naming ayusin yung working relationship namin.

“Kasi para sa chemistry namin at para mapadali ang trabaho.”

So, hindi totoong hindi sila nagpapansinan?

Tanggi ni Ejay, “Ay, hindi totoo yun!

“Paanong hindi niya ako papansinin, e, lahat ng mga eksena kami ang magkasama.

“Tapos yung mga eksena, sweet-sweet-an, parang ang hirap naman kung hindi kami nagpapansinan.

“Sobrang okay kami kahit off-cam kasi nga nakapag-usap na kami.”

Hindi na ba niya itutuloy ang panunuyo kay Ellen?

Sabi ni Ejay, “Marami na kaming bagay na napag-usapan and nasagot ko na lahat iyan. Magkaibigan kami ngayon.

“At sana after ng show na ito, makatrabaho ko pa siya at maging mas magkaibigan pa rin kami.

“Yung friendship, hindi talaga mawawala, kasi iyon ang importante sa amin.”



COLORFUL 2015. Samantala, sa kabila ng mga intriga at kontrobersiyang kinasangkutan ni Ejay ngayong 2015, feeling blessed pa rin siya dahil sa magandang takbo ng kanyang career.

Pero ngayong last quarter na ng taon, paano niya ilalarawan ang 2015 niya?

Aniya, “Sobra siyang colorful. Talagang makulay, kasi minsan masaya, minsan malungkot.

“Iba’t ibang emotion yung naramdaman ko ngayong 2015.

“Pero ang importante kasi matatapos yung taon na masaya ako.

“May teleserye ako, may bagong endorsement, tapos magagawa ko yung ginagawa kong paliga ng basketball doon sa amin sa Mindoro.

“Gusto kong matapos yung taon ko nang masaya para pagpasok ng 2016 masaya pa rin ako.”

Sa dami ng natatanggap niyang blessings, ano pa ang kulang kay Ejay?

“Lovelife!” bulalas niya.

“Pero sa ngayon, hindi naman ako nagmamadaling magkaroon kasi busy rin ako sa career ko.

“Kung darating ang lovelife, darating. Masarap din kasi ang may lovelife.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN