Richard Gomez and Dawn Zulueta reveal how they remained friends after their breakup

Richard Gomez on his relationship with ex-girlfriend Dawn Zulueta: “Kami ni Dawn, when we were young, nagkaroon kami ng boyfriend-girlfriend relationship, it was a very intense one. Pero noong matapos ang relationship namin ni Dawn, we remained friends. And even may mga sariling pamilya na kami, may mga asawa na kami, we’re still very good friends.”


Napuno ng kilig at tilian ng fans ang Dolphy Theater ng ABS-CBN kung saan ginanap noong Oktubre 21 ang presscon ng bagong Kapamilya primetime teleseryeng You’re My Home.

Natanong kasi ang dalawa sa mga bida nito na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta kung off-cam ba ay bumabalik ang feelings nila sa isa’t isa bilang dati silang magkarelasyon bago pa sila nagkaroon ng kanya-kanyang asawa at pamilya.

Sagot ni Richard, “Kami ni Dawn, we remained friends.

"All these years, pag magkasama kami ni Dawn, lagi kaming nagkukuwentuhan, daldalan kami nang daldalan."

Singit naman ni Dawn, “At saka noon pa, very playful kami. Hanggang ngayon playful kami.”

Biro tuloy ni Richard kay Dawn, na lalong ikinatili ng fans, “Laruin mo nga ako!”

Nang magseryoso, nagbigay ng dagdag na paliwanag si Richard.

Aniya, “Kami ni Dawn, when we were young, nagkaroon kami ng boyfriend-girlfriend relationship, it was a very intense one.

“Pero noong matapos ang relationship namin ni Dawn, we remained friends.

“And even may mga sariling pamilya na kami, may mga asawa na kami, we’re still very good friends.”

Ang malalim daw nilang pagkakaibigan ang isa ring dahilan kung bakit nila napanatili ang kanilang chemistry at magandang samahan bilang magka-loveteam magpahanggang ngayon.

Paliwanag nga ni Dawn, “The first time that we worked together was in a commercial.

“So, it wasn’t in a movie or a TV show. We were together first as commercial models.

“So, we have the same friends, we share the same circle, even up to now.

"Siguro doon pa lang, malalim na iyon, e.

“Even if we haven’t had a relationship, we’re friends even before.

“So, I’m just grateful that in spite of yung hurts na pinagdaanan namin before...

“Medyo ininda ko iyon ng dalawang taon e.”

Pansamantalang huminto si Dawn dahil sa malakas na tilian ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magpatuloy siya, sabi niya, “Iyon nga, parang even if nagkaroon tayo ng ganung hurts, we still became friends.”

Dagdag pa ni Richard, “Because we have that connection through our friends.

“Hindi namin talaga maiiwasan na during the time na naghiwalay kami ni Dawn, dahil nga we revolve around the same circle, we can’t avoid na magkikita-kita kami lagi.

“So, we say, ‘Hi.’ Until we became friends again.”

Aminado rin ang dalawa na-awkward sila nang magkatrabaho ulit sila pagkatapos ng kanilang breakup. Pero na-get over din naman daw ito.



NO REGRETS. Was there a time na nanghinayang sila na hindi sila ang nagkatuluyan?

Tugon ni Dawn, “I think naman hindi mawawala yun.

“Para maging mag-friends pa rin kami hanggang ngayon, siguro naman kahit papaano there is something in us that we like. I don’t hate him.

“Para ang ex-lovers hindi maging friends, siguro they have not forgiven each other and that they both don’t like each other as people.

“But with Richard, I like him as a person.

“There are things that we still share until now.

“Yung ngang pagiging mapaglaro, those qualities that we enjoy prior to having a relationship, during the relationship, and even now after, we still enjoy it.”

Dagdag pa ni Richard, “The nice thing about me and Dawn, we’re the type of couple that became friends and we can talk about a lot of things.

“Minsan we talked about other people, minsan we talked about personal stuff.

“Nag-level up na yung relationship namin ni Dawn.

“We are in a more mature state of friendship.”



REACTIONS OF THEIR WIFE AND HUSBAND. Ano naman ang reaksiyon ng kanilang mga asawa sa kanilang magandang partnership sa pelikula at telebisyon?

Ayon kay Richard, “Well, si Lucy [Torres, his wife] kasi, she has always been a fan of Richard and Dawn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She loves watching our movies. She enjoys watching our teleseryes.

“Kaya ganun si Lucy sa akin pag kay Dawn.

“And siguro pati na rin yung fans namin, although alam nila na may kanya-kanya kaming pamilya, the fans love watching us together.”

Sabi naman ni Dawn, “Sa akin naman, Anton [Lagdameo, her husband] has always been a movie fan.

“And what’s good about Anton is that he knows how to differentiate my onscreen performance and what I am at home.

“So, yung nakikita niya na ginagawa namin ni Richard onscreen, he appreciates it in a level na that is the kind of friendship or loveteam, tandem, or pairing that is special to me and Richard.

“Hindi na siya naba-bother and secure siya sa fact na iba naman kami. So, relax na siya doon.

“He can see that it is appreciated by a lot of people, and he appreciates it also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN