Dawn Zulueta offers solace to Jessy Mendiola: "If she needs to talk to someone or she wants to ask me anything, then she’s always welcome to do so.”

Dawn Zulueta says the success of her tandem with Richard Gomez has a lot to do with their friendship. "Even if we don’t have our relationship, we’re friends, we’ve been friends even before." Meanwhile, Dawn says about co-star Jessy Mendiola (inset): “Ngayon, napansin ko lang...na very serious, very quiet.


Magtatambal muli sina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa You’re My Home, ang bagong teleserye sa ABS-CBN na papalit sa time slot ng PBB 737.

Pero dahil kumpirmadong tatakbo si Richard sa pagka-Mayor ng Ormoc, posible raw na ito na muna ang huling proyekto nilang dalawa.

Sabi ni Dawn, “It could be last for a long time, I think so.

“Siyempre, baka naman palarin din naman siya na manalo, yun ang mangyayari.”

Pero silang dalawa ni Richard ang nagpatunay na may forever pala.

“Sa love team?” natawang sabi niya.

Anong reaksiyon niya run?

“Very honored na yun ang tagline na ginagamit nila para sa pairing namin ni Richard.

“Siyempre, hindi rin naman namin akalain na magkakaroon ng bagong appreciation para sa team namin.

“Pero ngayong nandiyan na ‘yan, siyempre natutuwa talaga kaming dalawa.”

Nakausap si Dawn ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng You’re My Home noong October 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



DEEP FRIENDSHIP. Ano ang meron sa tambalan nilang dalawa ni Richard na kahit may kanya-kanya na silang pamilya ay kinikilig pa rin sa kanila ang mga tao?

Sagot ni Dawn, “I think, really, it is us being good friends.

“I know, it might be hard to understand for some people because they cannot imagine being friends with an ex.

“But I happened to have exes na really friends ko talaga.

"Richard is one, Monsour [del Rosario] is another, I guess, masuwerte ako.

“Kahit natatapos ang isang relasyon na mapait, kapag naman naka-get over ka, puwede naman kayong maging magkaibigan.

“Your life moves on.”

Ayon kay Dawn, pareho raw silang "playful" ni Richard.

“Oo, mapaglaro kami,” natatawa niyang sabi.

At muli, inulit ni Dawn na malaking bagay daw na magkaibigan silang dalawa.

“Kami kasi ni Richard, nagkakilala kami, nandito na kami sa showbiz.

“It wasn’t in a commercial or a TV show, so we have the same friends even up to now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, yung ganung klase ng history, malalim na.

“Even if we don’t have our relationship, we’re friends, we’ve been friends even before.

“I’m just really grateful… yung hurt na pinagdaanan namin before, medyo ininda ko yun ng mga dalawang taon, e.

“Yun lang, kahit nagkaroon kami ng ganoong episode sa buhay namin, nagpasalamat kami na we were able to be friends again.”

UNDERSTANDING HUBBY. Pareho na silang masaya sa kani-kanilang pamilya—si Richard kay Congresswoman Lucy Torres at si Dawn naman kay Congressman Antonio Lagdameo.

Ni minsan, hindi naramdaman ni Dawn nagselos ang asawa niya sa tambalan nila ni Richard?

“Well, I think, normal lang din naman sa isang lalaki na baka ma-affect siya nang konti.

“Pero kasi nga, mature naman my husband, e.

“At nakikita naman niya na naa-appreciate ng mga tao, the audience, yung tambalan namin on screen ni Richard.

“So, for my husband, naa-appreciate rin niya na ganyan nga naman.

“Ganyan ang trabaho, so nahihiwalay din niya na yun nga, yun ang persona ko sa trabaho.”

Nilapitan ba siya ni Richard para ikampanya niya?

“I don’t think he needs me.”

Kung sakali, willing ba si Dawn ipangampanya ito?

“I don’t think I can because I will spend this summer with my family also.”

JESSY MENDIOLA. Sa You’re My Home, si Jessy Mendiola ang gumaganap na isa sa mga anak nina Richard at Dawn.

Matagal na rin nilang tine-taping ang serye kaya kinamusta namin kay Dawn si Jessy.

Nakikita ba niya itong may pinagdadaanan sa ngayon?

Lahad ng aktes, “Oh well, oo… siyempre, nakakaramdam din naman kami.

“Pero hindi naman kasi makuwento si Jessy.

“Pinapakiramdaman ko lang, I just make her feel that if she needs to talk to someone or she wants to ask me anything, then she’s always welcome to do so.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin daw niya yun kay Jessy, “Pero hindi naman siya pala-share.”

Sinegundahan din ni Dawn ang sinabi ni Richard na professional daw si Jessy.

“She’s very professional and sweet, tahimik lang siyang magtrabaho.”

Pangalawang Pasko na raw nila sa December na magkakasama sa You’re My Home dahil sinimulan daw nila ito noong isang taon pa.

May nagbago ba kay Jessy ngayong may pinagdadaanan ito kumpara sa Jessy noong sinisimulan pa lang nila ang serye?

“Yes,” lahad naman ni Dawn, “Ngayon, napansin ko lang si Jessy na very serious, very quiet.

“She likes to sit by herself kung kunwari nagpi-prepare lang kaming lahat, tahimik lang siya.”

Bilang babae, bilang isang artista, hindi maikakailang marami na ring pinagdaanan si Dawn na mga isyu at kontrobersiya noon.

Pero hindi maikakaila na isa siya sa mga hinahangaan ngayon dahil na rin sa pagiging elegante, snart, at classy woman niya.

Kung hihingan siya ng payo ni Jessy, ano ang sasabihin niya rito?

“I wouldn’t know what advice to give her until I know kung ano ang pinagdadaaanan niya.

“I only have a hunch, but I’m not going to speculate.”

ABOUT THE SERIES. Samantala, malaki raw ang kaibahan ng bago nilang serye sa mga nagawa na nila Dawn at Richard sa telebisyon at pelikula.

“Well, dito kasi, talagang mag-asawa kami, iba naman kasi siya from The Love Affair, you will know when you watch it.

“This is also a story about family and what happens sa isang pamilya kung magkaroon ng isang krisis.

“Kahit yung mga anak namin, they also play a role, part of the story.

“Maski sila, parang magkakaroon din sila ng challenge.

"Kung papaano nga nila matutulungan ang magulang nila to cope with loss, it’s a nice and touching family drama.

“Para talaga siya sa pamilyang Filipino dahil marami ngang mga aral din na mapupulot sa istorya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN