Kim Chiu shrugs off ex-boyfriend Gerald Anderson's statement about becoming a better bf in his next relationship: "Hindi ko alam, basta nasa tao iyan."

And what has Kim Chiu learned from her previous relationship? “Marami, marami… it’s part of growing up, yun lang.”


Ano ang masasabi ni Kim Chiu sa naging pahayag ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson tungkol sa mga natutunan nito sa kanyang past relationships?

Ani Kim, “Nasa tao naman iyan, e.

"Kung gusto niya magagawa niya.

“Kung ayaw niya maraming… hindi ko alam, basta nasa tao naman iyan, e.

“It’s up to the person kung gusto niya ng change or not.”

Nasabi kasi ni Gerald sa presscon ng pelikulang Everyday I Love You, na kung may naging pagkakamali siya sa mga ex-girlfriends, sana raw ay maging mas mabuting boyfriend ito sa susunod niyang relationship.

Ano naman ang mga natutunan ni Kim sa kanyang past relationships?

Pakli niya, “Marami, marami… it’s part of growing up, yun lang.”

Kumusta naman si Xian Lim, hindi na ba nakikita ni Kim dito ang mga kamaliang nangyari sa kanya dati?

“Oo hindi na, okay naman siya.”

Gusto ba niyang si Xian na ang the one?

“Sana, wow!”

Ang importante raw ay masaya sila ni Xian ngayon kahit na ayaw pa nilang lagyan ng label kung anumang relasyon mayroon sila.

FOR CHARITY. Nakausap si Kim ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing at launching niya bilang celebrity endorser ng Fat Out herbal dietary supplement, na produkto ng ATC Healthcare International Corporation.

Naganap ito noong Huwebes, Oktubre 22, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.


Natutuwa nga si Kim na may charity component ang produktong ini-endorso niya.

Ayon sa kanya, ilang percentage ng bawat mabebentang produkto ang mapupunta sa chosen charity ni Kim, gayundin sa foundation na itinayo ng ATC para makatulong sa mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN