Kinumpirma na ni Beauty Gonzalez ang mga bali-balitang buntis siya.
Sa kanyang Instagram account ngayong umaga ng Sabado, October 24, nag-post ang Kapamilya actress ng kanyang bikini photo sa isang beach, kung saan obvious na ang kanyang baby bump.
A photo posted by Christine Marie Gonzalez (@beauty_gonzalez) onOct 23, 2015 at 5:23pm PDT
September 10 nang iulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pag-alis ni Beauty sa Kapamilya teleseryeng Ningning dahil buntis umano ang aktres.
Read: Beauty Gonzalez leaves Ningning amid pregnancy rumor
Hindi naman sinagot ni Beauty ang isyu hanggang sa nag-post nga ito ng photo sa latest IG post niya ngayong Sabado.
Non-showbiz ang boyfriend ni Beauty na si Norman Crisologo, isang art collector .
