Alden Richards and Maine Mendoza tell each other: “God gave me you.”

Muli na namang nakagawa ng kasaysayan ang AlDub nang ganapin ang Tamang Panahon concert sa Philippine Arena nitong Sabado, October 24. Nalampasan rin ng AlDub ang previous record nito sa Twitter.


Selebrasyon ng tagumpay ng AlDub ang nangyaring Tamang Panahon concert na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, nitong Sabado, October 24.

Sa loob ng tatlong buwan simula nang mabuo ang AlDub o tambalang Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza sa totoong buhay), sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! na araw-araw nagiging trending topic, hindi nabitin ang milyun-milyong fans na tinatawag na AlDub Nation sa nasabing grand fans day nitong Sabado.

Full-packed ang 55,000 seating capacity ng venue.

Sa simula pa lamang ng programa, inanunsiyo na ni Lola Nidora (Wally Bayola) na umabot sa P14 million ang nalikom mula sa ticket sales.

Gagamitin ito para magtayo ng AlDub libraries sa buong Pilipinas at ipantutulong sa mga nabiktima ng bagyong Lando sa Northern Luzon.

Na-break na rin ng Eat Bulaga! ang previous Twitter record nito noong September 26, na may hashtag na #AlDubEBforLove, na nakapagtala ng 25.6 million tweets.

At this writing, (4:27 P.M.) umabot na sa 26.3 million tweets ang hashtag na #AldubEBTamangPanahon.

GOD GAVE ME YOU. Isa sa highlights ng Tamang Panahon ay ang palitan ng mensahe nina Alden at Maine.

Pahayag ni Alden, “Maine, ang tagal kong hinintay itong chance na ito, kasi God gave me you.

“Ang layo na ng narating natin: dalawang taong naghahanap and, finally, nagkita na rin.

"Salamat sa 'yo."

Sagot naman ni Maine, “Alden, thank you.

"Alam mo, ipinagdasal ko talaga itong araw na ito.

"Ganun din naman ang gusto kong sabihin sa 'yo, God gave me you.

“Ang dami nang nagbago sa buhay natin. Ang dami nang nangyari.

"Pero may mga bagay pa ring hindi magbabago. Alam mo na 'yon.

"Isa dun, ikaw at ako."

@aldenrichards02 and @mainedcm's "God Gave Me You" duet. #ALDubEBTamangPanahon

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onOct 24, 2015 at 1:09am PDT

@mainedcm to @aldenrichards02: "Thank you. Alam mo, pinagdasal ko ang araw na 'to." #ALDubEBTamangPanahon

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onOct 24, 2015 at 1:02am PDT

@aldenrichards02 to @mainedcm: "Dumating na yung chance to say that God gave me you."

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onOct 23, 2015 at 11:14pm PDT


NO MORE SPLIT SCREEN. Tinupad na rin ni Lola Nidora ang pahayag niyang puwede nang mag-usap ang dalawa, puwedeng magkatabi, at puwedeng hindi na split screen.

Kaya naman marami ang kinilig, naiyak, at nadala nang awitan ni Alden si Maine ng “God Gave Me You.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ito sa sweetest moments ng magkapareha, kung saan ilang beses silang nagyakap.

Sa isang punto ay lumuhod pa si Alden sa harap ni Maine, at nag-duet pa sila gamit ang iisang microphone sa isang punto ng production number.

Sa unang pagkakataon din ay nagsayaw sila na tila isang prinsipe at isang prinsesa.

Sinariwa rin sa nasabing programa ang pinagdaanan ng AlDub simula nang mabuo ito noong July 16, 2015.

Pinaalalahanan pa ni Lola Nidora ang dalawa na ipagpatuloy ang pagkakaibigan nila at kilalanin pa nang mabuti ang isa't isa sa pagpapatuloy ng kanilang istorya.

Hindi pa rin daw natatapos ang istorya nina Alden at Yaya Dub dahil wala pa siyang apo mula sa mga ito.

Sa pagtatapos ng programa, pinasalamatan nina Alden at Maine hindi lang ang isa't isa kundi ang lahat ng naging dahilang upang magtagumpay silang dalawa.

Nagpasalamat din ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts dahil sa natanggap nilang suporta sa kanilang Tamang Panahon concert.

Idinaan ni Alden ang kanyang pasasalamat via Instagram, kasama ang photo nila ni Maine habang naka-pabebe wave.

Si Maine naman, sa Twitter siya nagpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanila ni Alden.

Maraming salamat Dabarkads at AlDub Nation sa suporta at pagmamahal! Grabe kayo! God bless us all!!! #AIDubEBTamangPanahon

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 24, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN