Carla Abellana and Tom Rodriguez explain why they don't have to go "official" with their relationship

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

Carla Abellana on what is more essential in a relationship: “Mas importante, siyempre yung aksiyon more than the words or the titles or anything. Mas importante yung how you execute, how you express.”

Ngayong nagkasama na muli sa pelikulang No Boyfriend Since Birth ang rumored real-life couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, gusto sana ng dalawa na magkasama muli sila sa isang TV project.

May nakapagsabi na ba next year.

Ani Carla, “Wow! Kung next year, wow na yun kaagad.

“Pero maganda rin siyempre na we would love to work with other people.

“We would like to be in projects with other people para hindi naman yung halos kami na lang din. We're very much open to that.

“But honestly, kung mangyari siya three years, five years from now or as early as next year, magiging sobrang masaya ako, thankful ako.

“Malaking pasasalamat ko kay Lord yun kung mabibigyan man kami ng project agad after this.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Carla at Tom matapos ang presscon ng No Boyfriend Since Birth nitong nakaraang Martes, October 20, sa Valencia Events Place.

TOM AS CO-ACTOR. Inamin ni Carla na nami-miss niyang makatrabaho si Tom.

“Kasi siya yung nanggigising sa akin, nangungulit pag madaling araw na, nagbibigay ng mga corny jokes, kumakanta. Yung mga ganun na pampagising lang.”

Nang tanungin si Tom kung ano ang nami-miss niya kay Carla, ang mabilis nitong sagot ay "Lahat.”

Sabi pa niya, “Yung ngiti niya.”

Singit namang komento ng aktres, “Siguro, nami-miss niya na may nakukulit siya na natatawa sa mga jokes niya.”

Patuloy na sagot ni Tom sa tanong, “Siya lang yung kinukulit ko na may pasensiya sa mga kakornihan ko.

“Ang sarap ng pakiramdam na may kinukulit ka. 'Ah, ayan na naman, corny jokes na naman 'yan. Eto na, nagsisimula na.'

Sambit pa ng nangingiting si Carla, “Hindi siya nasasapak sa kakornihan niya.”

Base sa palitan ng compliments nila sa isa’t isa, malaking kuwestiyon kung bakit hindi pa opisyal na hinahayag nina Tom at Carla ang estado ng relasyon nila kahit masaya sila at madalas magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Carla, “Ah, yun yung off-cam na. Siyempre, work-wise yung pinag-uusapan namin.”

Malaki ang naging improvement sa samahang Tom at Carla kumpara sa una nilang serye, ang top-rated gay-themed drama na My Husband’s Lover, na pinagbidahan din ni Dennis Trillo sa Kapuso network.

Kailan nami-miss ni Tom si Carla?

Mabilis at nangingiti niyang sagot, “Everything naman was professional naman.

“There were times na nagdu-double unit na ang My Destiny [huling seryeng pinagsamahan nila sa GMA-7].

“I really felt the impact na I wish I had more scenes with her today para lang... bale, pampawala ng pagod.

“Yun yung so tired from work, you work 24/7 halos.

“It’s really easy na there would be someone you feel comfortable with. You don’t have to make an effort to do anything.

“Just go to work, just enjoy, and you genuinely have fun.

“Parang yung 24/7 work day na yun parang nagiging ilang minuto lang na pakiramdam.”

SMITTEN BY CARLA. Matagal na nanirahan dati si Tom sa States.

Pero giit niyang hindi siya ipinanganak doon, kaya handa siyang maghintay kung kailan sila magiging opisyal ni Carla.

Patunay ito na taglay pa rin niya ang mga tradisyonal na Pinoy values pagdating sa panliligaw at pakikipagrelasyon.

Pagpapatunay pa ng aktor, “Sa Samar ako lumaki.

“Second half na ng buhay ko ako nagpunta ng Amerika. Kaya mula dito, barrio ako lumaki.

“Pagpunta ko sa States, sa barrio rin ako lumaki. Siguro sinuwerte ako in the sense that I got the traditional small-town values of Catbalogan, Samar, at Yuma, Arizona.”

Anong meron si Carla at worth the wait ang pagiging opisyal ng relasyon nila?

Sagot agad ni Tom, “Everything.”

Pabirong hirit ni Carla sa katabi, “Sumagot ka nang maayos.”

Sabi ni Tom, “She’s the most down-to-earth person I’ve ever met. The most genuine.

“Before, I could see pa na at first glance, you see, she’s so beautiful na medyo nakaka-intimidate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When you know her as person, totoo ito, grabe, n her most unguarded moments, she’s just...

“Sobrang vulnerable sa mga eksena,” singit ni Carla.

Sabi naman ni Tom, “Hindi naman yung vulnerable na umiiyak.

“Yung unguarded moments na lumalabas na yung totoong tawa niya minsan na lakas ng halakhak na nawawala yung poise. So cutest thing I’ve ever seen.”

NO BARRIERS TO RELATIONSHIP. Si Carla ay 29 years old na habang 28 naman si Tom.

Kaya nagtataka ang marami kung bakit wala pa silang inaamin hanggang ngayon.

Nilinaw ni Tom na walang humahadlang sa kanilang dalawa na magkaroon ng unawaan.

“Walang humahadlang. Everything has been going great. I think everything's as it should be.

“Like I said, that’s up to you, guys. Kayo ang nag-ano. We’re on track. Whatever we’re nurturing, I feel everything is good.”

NO NEED FOR LABELS. Parang ipinahihiwatig ni Carla sa statements niya na hindi kailangang maging opisyal para maging sila na ni Tom.

“Parang hindi kailangang maging opisyal."

Singit na paliwanag ni Tom, “Iba-iba kasi ang definition niyan, e.

“How can you base what's 'official' to someone?

“Like I said, we grew up in different backgrounds, iba-ibang kultura. Half ng buhay ko sa Amerika. Half dito. Si Carla, dito all her life.

“Anong basehan ng... parang hindi kailangan. Parang hindi nagkakaintindihan lahat. Pero kaming dalawa, I believe we understand each other.”

Pahayag ni Carla, “Ako honestly, my gosh, pinalaki ako sa ligaw na traditional na ligaw na kailangang dumaan sa nakakapagod na proseso para makuha mo ang matamis na oo.

“Siyempre, pinalaki ako ng lola ko ['50s movie actress Delia Razon].

“Pero hindi naman nagwu-work. You enter into a relationship with somebody na matagal kang niligawan. Nakita mo lahat ang intentions, pero hindi nag-work.

“So I don’t think naman then na nakasalalay yun doon, na porke’t hindi nangharana yung lalaki hindi magwu-work yung relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So depende talaga. Walang assurance kung magwu-work yung relationship or not.

“Nandun kami talaga sa proseso na ingatan na lang natin kung ano yung nandiyan, huwag nang mag-label.”

KILIG MOMENTS. Sang-ayon si Tom sa opinyon na iba ang sinasabi ng bibig sa ipinapakita sa mga ikinikilos, gaya ng nakikitang sweetness nila ni Carla.

Pahayag niya, “Oo, magkakaiba-iba ng sagot lahat ng gustong magbigay ng kulay.”

Saad ni Carla, “Mas importante siyempre yung akskiyon more than the words or the titles or anything. Mas importante yung how you execute, how you express.”

Ramdam ba ni Tom na love siya ni Carla?

“Ako lang, I feel that I have a very special place in her heart. Feel nga lang, e.

“Mag-a-assume ba ako? Siguro me, I wasn’t feeling this happy or this kilig or excited in a long time. That should speak for itself.”

Nararamdaman ba ni Carla yung love mula kay Tom?

Mabilis niyang pag-amin, “Definitely! Sabi ko nga, nakikita ko, nararamdaman ko.

“Sure 'yan. Hindi ako manhid, hindi ako blind. Ramdam na ramdam ko at kitang-kita ko naman.”

Ano ang mga katangian ni Carla na nagpapakilig kay Tom?

“Being around her, being with her. Lahat, e. Ang hirap i-pinpoint sa isang bagay lang. Just her.”

Paano pinapakilig ni Tom si Carla?.

“Ako yung nakikita ko lang siyang laging masaya, yun pa lang nakakakikilig na, e.

“Everything follows kapag nakita ko na ang laki ng ngiti niya sa face, nag-i-sparkle na yung eyes niya.

“Parang masarap sa pakiramdam na, 'Ay, ang saya-saya ng tao na alam mong partly responsible ka sa happiness niya.'” lahad ni Carla.

Ang No Boyfriend Since Birth ng Regal Films ay dinirek ni Joey Reyes. Ipapalabas ito sa November.

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/59240/carla-abellana-and-tom-rodriguez-explain-why-they-don39t-have-to-go-official-with-their-relationship" data-desc="Tom Rodriguez on no-label relationship with Carla Abellana: “Walang humahadlang.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/13e4fd553.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN