Rocco Nacino has no interest in politics

Rocco Nacino on the possibility of pursuing a political career: “Para sa mga experts na lang 'yan. Parang napakarami at napakahabang proseso para pag-aralan yung politics talaga, e. And wala akong time para gawin yun.”


Walang dahilan para hindi maging kuntento at masaya si Rocco Nacino.

Bukod sa magandang estado ng love life niya, kuntento siya sa takbo ng kanyang career at maayos na outcome ng pinasok niyang business.

“I feel blessed sa lahat ng bagay. Maraming blessings na dumarating kaya masaya ako,” bungad ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng CelebriTV nang gabi ng Huwebes, October 22.

“And focused lang talaga ako sa trabaho ngayon at saka sa mga businesses.

“Yung Rufo’s Tapa, kaka-reopen lang namin yun sa Timog sa harap ng GMA at haping-happy kami na very successful yung re-launch namin.”

Kumpleto na ba ang buhay niya ngayon?

“Hindi. Alam mo naman ako, I’m always hungry,” sabay ngiti ni Rocco.

“I’m always hungry for work, for challenges. Mahaba ang bucket list ko, e… ng lahat ng gusto kong gawin.

“Like, gusto ko ring mag-venture sa ibang klaseng restaurant. Or different kind of venture naman sa business.”

Bakit sa food business ang interes niya ngayon?

“Nabuhay na lang yun nung naghahanap kami ng investment. Gusto namin food business, e.

“And hindi namin akalain na mapupunta kami sa pagkuha ng franchise ng Rufo’s," sagot ni Rocco.

Okey ang takbo ng gym, ang unang negosyong pinasukan ni Rocco at ilang kaibigan.

Ang younger brother ni Rocco na si Kyle Nacino ang business partner ng aktor sa Rufo’s Tapa.

“Tinuturuan namin siya para maging marunong siya sa pera, maging responsible sa paghawak ng pera,” lahad ni Rocco.

Hindi pa rin ba nae-engganyo si Kyle na pumasok sa showbiz?

“Sabi ko, basta sa amin, makapagtapos muna siya ng pag-aaral,” ani Rocco.

Pero parang wala yatang interes ang kapatid niya dito.

“Feeling ko gusto rin niya.

“Kumbaga, parang naghihintay lang siya ng tamang panahon,” sabay tawa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nape-pressure si Kyle na dapat kasing-galing siya ni Rocco pag pumasok ito sa showbiz?

Pagklaro ni Rocco, “Hindi, hindi.

“Basta ang sabi ko sa kanya, kung ano ang gusto niya, ituloy niya. Basta makapagtapos siya ng pag-aaral muna.

“He’s taking up Industrial Engineering. Graduating na siya kaya sinasabi namin sa kanya na konti na lang.”

SHOOTINGS. Kuntento si Rocco sa dalawang GMA shows niya, ang seryeng Beautiful Strangers kung saan kasama niya ang girlfriend na si Lovi Poe at Heart Evangelista, at StarStruck, na hinu-host ng aktor at ni Megan Young.

Pahayag uli ni Rocco, “Tinatapos din namin ngayon ni Lovi ang Lakambini. Medyo mabagal ang shooting namin for this film pero alam namin worth it, e.

“Mabagal ang shooting kasi maraming shots sa bawat eksena. Kasi gusto talaga ng production team na pagandahin yung movie.”

JIU-JITSU. Isinisingit ni Rocco ang favorite sport niyang jiu-jitsu kapag may time.

Mas gusto ba niyang nanonood si Lovi sa tournaments niya?

“Depende!” nangingiti ulit na sagot ng aktor.

“Minsan parang nahihiya ako.

“Minsan okey kapag nandiyan siya. Minsan naman, shy ako!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Rocco, “Delikadong sport ang jiu-jitsu. Pero nando’n naman ang teammates para i-ensure ako.”

Ano so far ang worst injury na nakuha niya rito?

“Na-dislocate yung shoulder ko during isang tournament.

“Pero hindi naman siya yung malupit na malupit na dislocation. Parang konti lang tapos naibalik kaagad.”

CHRISTMAS PLANS. May nabubuo na bang plans si Rocco sa nalalapit na Christmas season?

“Wala pa, e. But definitely I’ll be spending it with my relatives.”

May plano ba siyang mag-break from work and have a vacation?

“Actually, meron. Sa Japan, kasama ko ang family ko.

“Pero by March next year pa yun, sa panahon ng cherry blossom doon. Gift ko yon sa mom ko,” tugon ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ba si Lovi sa Japan?

“Hindi, e. May sariling vacation din yata siya kasama ng kanyang family,” pakli ni Rocco.

Pero meron bang nakaplanong vacation trip para sa kanilang dalawa ni Lovi?

“Depende, e. Kasi ang daming ginagawa, e.

“She has her own thing. I have my own thing din.

“So depende rin yun sa mga projects. Siyempre mas importante ang work,” giit ni Rocco.

SECRET OF A LASTING RELATIONSHIP. Ideal couple ang tingin ng marami sa kanila ni Lovi.

Consistent ang pagigiging smooth-sailing ng relasyon nila mula pa noong nag-uumpisa pa lang sila as a couple.

Ano ang nagsu-sustain ng spark sa relationship nila?

“Constant communication siguro. At saka… knowing that she’s there,” tugon ni Rocco.

PRESIDENTIAL SISTER? Sinasabing malakas na kandidato ang sister ni Lovi na si Senator Grace Poe sa 2016 presidential elections.

Ano ang masasabi ni Rocco tungkol dito?

“For sure, she has the best interest naman for the country,” hirit ng aktor.

Kung sakaling manalo si Senator Grace, magiging presidential sister na si Lovi.

May pagbabago kayang puwedeng ibunga ito sa relasyon ni Rocco at Lovi?

“Hindi ko alam. I don’t think it will affect us nang ano… nang sobra-sobra. Kasi nasa ibang industry naman kami.

“Wala namang kinalaman ang politics sa amin. Lalo na sa akin so I don’t think it’s gonna affect [us],” pagwalang-bahala ni Rocco.

Pero siyempre, kung maging presidential sister si Lovi, may posibilidad na kailangang mas maging maingat ang aktres sa bawat kilos niya at mas maging conscious na siya in public.

Napag-usapan na ba nila Rocco at Lovi ang ganoong scenario?

“Hindi pa niya iniisip yun, e. Hindi pa niya iniisip so parang… tingnan natin kung ano ang mangyayari,” sagot ni Rocco.

NO INTEREST IN POLITICS. Hindi kaya ma-engganyo si Rocco na sumabak sa politics balang araw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, e!” tumawa ang aktor.

“Para sa mga experts na lang 'yan.

“Parang… napakarami at napakahabang proseso para pag-aralan yung politics talaga, e. And wala akong time para gawin yun.

“So mas gusto ko na lang… since yung field ko naman is more on medicine, so doon na lang ako magiging public servant,” lahad niya.

NEW BUSINESS VENTURE. Graduate ng Nursing si Rocco. At plano niyang kumuha ng kursong Medisina kung magkakaroon siya ng pagkakataon.

“Kapag kinaya ng time. May inaaral akong aesthetics program ngayon to just open opportunities for a business.

“So at the same time hahaba ang pangalan ko at ang kaalaman ko sa medicine. So magagamit ko siyang pang-business,” pangwakas niyang lahad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN