Maine Mendoza surprises Alden Richards as mystery caller in "DJ Bae" segment of Sunday Pinasaya

Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg">

Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg">

Alden Richards gets a surprise caller on his "DJ Bae" segment on Sunday Pinasaya earlier today, October 25. It's none other than the other half of AlDub, Maine Mendoza.


Nagulat si Alden Richards nang marinig ang boses ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa "DJ Bae" segment niya sa Sunday Pinasaya ngayong araw, October 25.

Sa segment na ito ay gumaganap si Alden bilang radio DJ, si DJ Bae, kung saan nagbibigay siya at ang co-host niyang si Jerald Napoles, bilang si DJ Peter the Bitter, ng advise sa mga caller na may love problems.

Sa episode ngayong araw ay nagsimula ang segment na parang normal lang.

Unang tumawag ang caller na may pangalang "Honey" at nagsabi ito ng kanyang problema, pero biglang naputol ang linya.

Dito na nangyari ang panggu-good time ng staff ng Sunday Pinasaya kay Alden.

Hindi alam ng Pambansang Bae na ang susunod na caller ay si Maine.

Ininterbyu muna ni DJ Peter ang caller na taga-Bulacan daw.

Pero sa puntong ito ay kapansin-pansin na kakaiba ang ngiti ni Jerald na tila alam kung ano ang mga susunod na kaganapan.

Naghiyawan na rin ang mga tao sa audience.

Nang malaman ni DJ Peter na taga-Bulacan ang caller, tinanong niya ito kung nandoon siya sa "Tamang Panahon" concert na ginawa sa Philippine Arena.

Sagot ng caller, nandoon daw siya.

Napasigaw naman si Alden at sinabing: "Teka, teka... ano 'to?!"

Pero tanong ulit ni DJ Peter sa caller: "Kinilig ka ba kay Papa Alden?"

Sagot ng caller: "Oo... kasi nung niyakap niya ako."

Tila nahalata na ni Alden kung ano ang nangyayari, kaya tanong niya sa caller: "Maine, ikaw ba 'yan?"

Sundot na tanong ni DJ Peter: "Ano ba pangalan mo, ate, pakisabi?

Sagot ng caller: "Maine Mendoza po."

Lalong naghiyawan ang mga nasa audience habang natawa naman si Alden na tila hindi pa rin makapaniwala.

"Hindi ako na-orient!" bulalas pa ni Alden.

Kaya pinaalala ni Jerald, bilang DJ Peter, kay Alden na siya si DJ Bae sa segment nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad namang bumalik sa kanyang karakter si Alden at kinumusta si Maine.

DJ Bae: "Hi Maine!"

Maine: "Hi DJ Bae."

DJ Bae: "Hello."

Maine: "Can I make a request?"

DJ Bae: "Anong request?"

Maine: "May gusto kasi akong ipasabi kay Alden, e."

DJ Bae: "Sige, sige... I'll be your messenger."

Maine: "Okay lang?

DJ Peter: "Bakit nabubulol ka?

DJ Bae: "Hindi ako nabubulol." (sabay hampas sa balikat ni DJ Peter)

Maine: "Gusto ko lang sanang magpasalamat sa ibinigay niyang sapatos."

Napatalon naman si DJ Peter sa sinabi ni Maine, habang si Alden ay halos hindi makapagsalita at panay lamang ang ngiti.

Maine: "Pakisabi na lang, ha?"

Alden: "Sige, sige... makakarating, makakarating."

Tinanong naman ulit ni DJ Peter si Maine kung ano ang favorite color niya.

Sagot ni Maine, "Yellow po."

Tinanong din ni DJ Peter si DJ Bae kung ano ang favorite color ni Alden.

Sabi ni DJ Bae, "Mahilig siya sa black at saka yellow, sabi niya sa akin."

Narinig naman sa kabilang linya ang sinabi ni Maine na: "Ay, yellow din, puwede, puwede."

Pagpapatuloy naman ni DJ Bae, "Alam mo si Alden, actually nakausap ko siya."

Maine: "Anong sabi? Pa-share naman."

DJ Bae: "Nakausap ko siya after nung Tamang Panahon, nagkita kami. Medyo some kind... sabi niya, ang sarap-sarap daw nung feeling."

Ang "Tamang Panahon" ay ang concert cum grand fans day ng Eat Bulaga! para sa AlDub Nation.

Tinanong naman ni DJ Peter si Maine kung nakatulog ba siya kaagad noong gabi pagkatapos ng "Tamang Panahon."

Sagot ni Maine, "Hindi po ako talaga nakatulog kagabi kakaisip. Hindi po talaga, inaalala ko pa kasi yung pagyakap niya sa akin, e."

Napayuko naman si Alden nang marinig ang sagot ni Maine.

Hirit ni DJ Bae, "Alam mo si Alden, nung ikinukuwento niya sa akin yung mga pangyayari, mga late na rin siya natulog, e, over the phone... Sobrang thankful daw siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan ng mensahe ni DJ Peter si Maine para sa AlDub Nation.

Aniya, "Ay, siyempre, maraming salamat po sa inyong lahat. AlDub you all!"

Nang hingan naman siya ng mensahe para kay Alden ay biglang naputol ang linya.

Pagkatapos ay binalingan ni Alden ang staff ng kanilang programa at sinabhing, "Kayo hindi niyo ako inu-orient, ha!"

Pero halatang masaya siya sa mga naging kaganapan.

Hanggang sa matapos ang programa ay panay pa rin ang kantiyaw ng mga co-host ni Alden sa kanya.

Ang naging sagot lang dito ni Alden ay isang pabebe wave.

PRANK ON ALDEN. Ilang oras bago mag-umpisa ang Sunday Pinasaya kanina ay tila nagpahiwatig na si Maine sa Twitter na may espesyal na mangyayari.

"Mr. DJ, can I make a request?" #SPSSariSariLaf

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 25, 2015

Nag-react naman ang APT executive na si Mike Tuviera sa tweet ni Maine:

Halalalalalalala.... Anong kaganapan ito, Menggay??? 😛😛😛 #SPSSariSariLaf https://t.co/8F2ZzjaMJ3

— Michael Tuviera (@DirekMike) October 25, 2015

Kasunod nito ay pinaalahanan ng direktor ang AlDub Nation na abangan kung ano ang mangyayari sa Sunday Pinasaya:

#AlDubNation, can you keep a secret? Kung may guess na kayo, sabihin na sa mga ka-AlDub! See you later at #SundayPinaSaya #SPSSariSariLaf

— Michael Tuviera (@DirekMike) October 25, 2015

Heto na guys.... Maghanda na kayo, #AlDubNation! Surprise! #SPSSariSariLaf

— Michael Tuviera (@DirekMike) October 25, 2015

Pagkatapos ng show ay nag-tweet ulit si Direk Mike at sinabing isang prank ang ginawa nila kay Alden:

Boom! We just pranked Alden. He had no idea. Thanks so much Maine. You rock! @mainedcm @aldenrichards02 #SPSSariSariLaf

— Michael Tuviera (@DirekMike) October 25, 2015

Si Maine ay nag-tweet din at sinabi kay Direk Mike na may sasabihin pa raw siya sana kay Alden:

May sasabihin pa po sana ako Direk eh! Haha! https://t.co/MFr1e7V7mT

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 25, 2015

Sagot dito ni Direk Mike:

Masasabi mo rin yan sa kanya, Maine... Sa Tamang Panahon. 😁😁😁 @mainedcm #SPSSariSariLaf https://t.co/eZrAyHSBGr

— Michael Tuviera (@DirekMike) October 25, 2015

Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg">


Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg"> Sunday Pinasaya" data-url="https://www.pep.ph/news/59252/maine-mendoza-surprises-alden-richards-as-mystery-caller-in-dj-bae-segment-of-sunday-pinasaya" data-desc="Alden gets pranked by Maine on Sunday Pinasaya." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/b2aa52576.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN