Will Bea Binene invite ex-bf Jake Vargas to her debut party?

Bea Binene on inviting ex-bf Jake Vargas to her grand debut party: “Actually, kasi yung guest list, nagbigay lang ako ng names sa Artist Center. Pero sila talaga ang over-all na nag-ayos.”


Ngayong magde-debut na si Bea Binene sa November 4, isa sa mga inaabangan ng kanyang fans ay ang mga magiging pagbabago sa kanya ngayong dalaga na siya.

Ano ba ang mga pagbabago sa kanya ngayon? May kalayaan na ba siyang magdesisyon para sa sarili?

“Actually, hindi po namin pinag-uusapan ni Mommy,” sabi ni Bea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon niya sa La Reve, Sgt. Esguerra Ave., Quezon City noong October 23.

Ayon pa kay Bea, “Kasi po si Mama, kapag tinatanong ko, 'Ma, puwede na ba akong matulog sa kuwarto ko kapag 18 na ako?'

“Sabi niya, 'Sige, kasama mo si Benice [her younger sister],' so wala ring difference.

“Hindi pa po namin napag-uusapan.”

Kung may hihilingin siya sa ina, ano kaya yun?

“Matulog sa sarili kong kuwarto at saka, walang cut-off na pagtulog.

“Kasi, palaging pag alas-dose, pinapatulog na niya ako. Pero siyempre, iba pa rin naman kapag may guidance ng magulang, di ba?” lahad ni Bea.

READY FOR MORE RESPONSIBILITIES. Matagal-tagal na ring hindi nakakasama ni Bea ang ama niyang Chinese, kaya diretsuhan na naming itinanong kung hindi ba nito nami-miss ang daddy niya, lalo na ngayong magde-debut siya.

Sabi ni Bea, “Siyempre, nami-miss, pero hindi pa po sure kung makakarating siya sa debut.”

Kumusta na sila ng daddy niya?

“Ngayon, may problem po kasi sa business ni papa, so yun,” saad ni Bea.

Ang maganda kay Bea, kahit na wala pa itong 18, masasabing responsable na ito at marami nang nagagawa.

May mga business si Bea at nakapagpundar na ng mga gamit tulad ng bahay at sasakyan.

Isa na rin siyang producer.

Ang isa sa kanyang ipinoprodyus ay ang Legally B sa GMA News TV na ipinapalabas tuwing Sabado ng umaga.

Kasalukuyan itong nagpapalabas ng mga preparasyon ni Bea para sa kanyang debut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang humahawak ng finances ni Bea?

Sagot niya, “Hindi ko pa rin kaya.

“Si Mama pa rin po. Parang simpleng budget lang kung may gusto akong shoes.

“Pero mostly, food po talaga. Kapag pagkain, kung gusto ko, yun po, ako ang gagastos.”


CHANGE OF PLANS. Sinabi sa amin ni Bea noon na mas gusto sana niyang mag-travel kesa magkaroon ng magarbong party.

Ano ang nangyari at nabago ang plano niya?

Paliwanag ni Bea, “Well, ako po kasi, ayoko talaga sanang mag-debut.

“Mag-travel na lang tayo, mag-Japan. Kasi sayang, isang gabi lang, tapos mag-i-spend ka ng sobra.

“Pero sabi po kasi ni Mama at ng Artist Center, at ni Kristoffer [Martin, na close friend ni Bea], once-in-a-lifetime mo lang 'yan.

“Once ka lang magiging 18.

“Yung Japan naman, puwede mo namang mapuntahan any time. Puwede naman kung anong okasyon.

“E, yung 18, once lang. So yun, sabi ko, 'Oo nga.'

“Tapos, tamang-tama rin, with all the help of the sponsors po, charity na after ng debut ko, at palagi kong ginagawa every year, yun po, magpu-push through pa rin.”

DEBUT THEME. Ano ba ang magaganap sa debut?

Kuwento ni Bea, “Ang debut po, yung theme, vintage glam.

“Medyo small lang siya, hindi siya yung malaking event. Hindi siya yung ganoong karaming tao, mga 150 lang po na tao, sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.

“Meron po akong 18 Roses, 18 Candles, 18 Gifts, and 18 Treasures.

“Wala po akong escort. Wala lang, gusto ko lang mag-isa.

"I can do this na kaya kong mag-isang buhatin ang gown ko,” natawa niyang sabi.

Pero ang magiging last dance raw niya ay si Kristoffer.

Katwiran ni Bea, “Siya po kasi ang best friend ko talaga. Tapos, first dance, si Alden [Richards] dapat, pero hindi pa sure kung makakapunta siya.”

JAKE NOT INVITED? Nabanggit ni Bea na kasama sina Alden, Kristoffer, Derrick Monasterio at Ken Chan sa 18 Roses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala sa listahan ang ex-boyfriend niyang si Jake Vargas.

Wala ba talagang plano si Bea na isama si Jake sa 18 Roses bilang may pinagsamahan din sila?

Paglinaw niya, “Actually, kasi yung guest list, nagbigay lang ako ng names sa Artist Center.

“Pero sila talaga ang over-all na nag-ayos. Basta ang mga sinabi ko po, nandun talaga.”

Hindi pa raw sila namimigay ng imbitasyon kaya hindi pa masagot ni Bea kung darating si Jake.

Yun ang isa sa pilit inaalam kay Bea noong presscon niya.

Dagdag pa niya, “Hindi ko pa po alam, kasi hindi pa po kami actually nakakapagbigay ng invitation.”

May plano ba siyang imbitahan si Jake?

“If ever, I don’t know,” sagot ni Bea.

Nang tanungin muli si Bea, tungkol dito, sinabi niyang okey lang daw sa kanya sakaling dumating si Jake.

Hindi daw sila nag-iiwasan, pero hindi pa rin daw talaga sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkita.

LOVE LIFE NOT A PRIORITY. Dahil naka-move on na talaga siya, puwede na ba siyang mag-entertain ng bagong manliligaw?

“Wala po yun sa priorities ko sa ngayon,” mabilis na sagot ni Bea.

Dagdag niya, “Alam ko na hindi yun ang priorities ko, pero okey naman.

“Why not, di ba? Nandiyan naman palagi yun. Hindi naman kapag sinabing 18 ka na, magbu-boyfriend ka na.

“Parang darating naman po yun. Hindi mo naman kailangang hanapin. Parang kung darating, darating.”

Inamin ni Bea na may mga manliligaw siya, pero wala siya sa estadong “exclusively dating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN