Benjie Paras happy about son Andre's off-screen bonding with showbiz friends

Benjie Paras says he's happy seeing son Andre's showbiz friends hanging out at their house: “Si Yassi [Pressman], minsan nasa bahay 'yan. Sina James Reid, si Nadine [Lustre], nasa bahay 'yan pag may time sila. Mas gusto ko nga na nasa bahay sila, at sabi ko nga, huwag silang pupunta dun sa magulo, baka kainggitan sila.”


Masaya si Benjie Paras na nagsusumikap ang kanyang dalawang anak na maging matagumpay sa mga larangang kanilang pinasok—si Andre, 19, sa showbiz, at si Kobe, 18, sa basketball.

Natutuwa si Benjie na pinasok ng dalawang anak niya sa ex-wife na si Jackie Forster ang mga mundong malapit sa kanyang puso.

Pinasok ni Benjie ang showbiz pagka-retiro niya sa basketball, kung saan nanalo siya ng awards bilang magaling na manlalaro.

Naging bukas ang damdamin ni Benjie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Wang Fam ng Viva Films na ginanap sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas, noong October 22.

Aniya, “I'm very happy for Andre na he's successful sa career niya bilang aktor.

“Andun pa naman yung pagiging basketbolista niya, pero namili siya, at yun ang pinili niya [ang pag-aartista], so sinusuportahan ko siya.

“Heto nga't magkasama kami sa movie na ito.

“At sa nakikita ko, click naman, at hindi naman kami nagsisisi.”

Dugtong pa ni Benjie, “Kay Kobe naman, aba'y sobra akong saya.

“I'm really very happy for him.

“Yun naman talaga ang pangarap niya—to be able to play and study sa States.

“As of now, graduating siya next year, and hopefully, matuloy siya na makapaglaro sa college.

“Yung sa UCLA [University of California, Los Angeles] naman kasi, it's a verbal agreement between him and his coach.

“We will see pa early next year, kung itutuloy pa yun.

“At saka pa lang natin malalaman, and hopefully, matuloy.”

GUIDING HIS BOYS. Marami pa raw pagsubok na pagdadaanan ang kanyang mga anak, kaya bilang ama, patuloy pa ring ginagabayan ni Benjie sina Kobe at Andre.

Sabi pa ni Benjie, "Bata pa naman sila, so I'm still here to guide them, and to make sure na tama ang dinadaanan nila.

“Yun lang naman talaga ang trabaho ng mga magulang.

“Kaya sabi ko nga, importante talaga na kaibigan mo ang mga anak mo, kasi madali silang mag-open up sa mga sentiyemento nila, pag alam nila na handa kang makinig sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KNOWING THEIR PRIORITIES. Bilang ama ng dalawang guwapong binata, ano ang mga kinatatakutan ni Benjie, lalo na't nagsisimula pa lang sila Kobe at Andre sa kani-kanilang propesyon?

Saad ni Benjie, “Ang lagi ko lang naa-advise sa kanila is to be sure na matapos lang nilang lahat—yung pag-aaral, magandang career bago sila magseryoso sa love life.

“Puwede naman silang magseryoso [sa love life], wala namang problema dun.

“Basta wala lang conflicts sa maraming bagay, kasi this is the price that they have to pay, e.

“Bilang isang athlete, o bilang isang aktor, they have to sacrifice.

“Kung gagawa sila ng bagay na maapektuhan ang kanilang careers, huwag na muna.

“Kasi, di mo naman mauusog ito, e. Unlike sa ibang bagay tulad ng love life, puwede mong paghintayin.”

Sa ngayon, wala pa raw dapat ipagalala si Benjie sa mga anak.

“Wala pa naman akong nakikitang problema sa dalawa.

“I'm very thankful na wala pang nababalitaang ganun.

“Si Andre, masyado siyang masipag sa trabaho niya, and he sees to it na kapag wala siyang trabaho, nagwu-work out siya

“Nagpapakundisyon pa rin, para at least, maganda pa rin ang katawan niya sa movies.

“Si Kobe naman, alam naman natin kung gaano siya ka-focused sa dream niya, na kahit malayo siya sa amin [he's in the US], dun talaga siya naka-concentrate.”

HAPPY ABOUT KIDS' OFF-SCREEN BONDING. Binanggit namin kay Benjie na habang ginaganap ang presscon, napansin ng lahat ang sobrang lambing ni Andre sa screen partner na si Yassi Pressman.

Nagdududa ba si Benjie na baka may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa?

“Oo, actually, matagal na silang magkaibigan.

“Si Yassi, minsan nasa bahay 'yan.

“Sina James Reid, si Nadine [Lustre], nasa bahay 'yan pag may time sila.

“Yung pagkakaibigan nila ay... si Andre, minsan kasama niya si Nadine na sila lang, minsan si James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, barkada talaga sila.

“And, I'm very happy na close sila.

“Mas gusto ko nga na nasa bahay sila, at sabi ko nga, huwag silang pupunta dun sa magulo, baka kainggitan sila.

“Aware naman sila, at natutuwa ako na lumaki sila nang tama,” sagot ni Benjie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN