Kim Chiu finds nothing wrong about same gown issue with Maine Mendoza: “No hate please? A gown is just a gown...”

Netizens raised a furor when they found out that Maine Mendoza's gown, which she wore during last October 24's Tamang Panahon benefit concert, was a "recycled version" of a gown designed by Francis Libiran, and previously worn by Kim Chiu for a fashion show two years ago. For her part, Kim Chiu took no offense in the non-issue and posted on her Instagram: “No hate please? A gown is just a gown.”


Binatikos ang mga stylist ni Maine Mendoza o Yaya Dub matapos kumalat ang report sa isang blogsite na ni-recycle umano ng mga ito ang gown na sinuot ng ka-love team ni Alden Richards sa Tamang Panahon benefit concert ng Eat Bulaga! noong October 24.

Ang Stylized Studio, Inc. ng sikat na celebrity stylist na si Liz Uy ang pumili ng gown ni Maine at ng kasuotan ni Alden sa benefit concert.

Ang blush ball gown ni Maine sa benefit concert ay dinisenyo ng top fashion designer na si Francis Libiran para sa kanyang 15th anniversary Spring/Summer 2015 collection noong November 2013.

Pinasalamatan ni Francis sa Instagram ang Stylized Studio, Inc. sa pagpili nito sa gown ni Maine.

Nilinaw ng designer na binili ng Eat Bulaga! production team ang nasabing gown.

"We are so glad, honored and grateful that Maine Mendoza and her official stylists, Stylized Studio, Inc., chose a beautiful Francis Libiran dress from our Spring/Summer 2015.

"Maine Mendoza's gown at Eat Bulaga's Tamang Panahon concert for a cause was bought and paid for by Eat Bulaga! Production," saad ni Francis.

Ang Kapamilya star na si Kim Chiu ang unang nakitaang nakasuot ng nasabing gown.

Kaya nagbigay si Francis ng pahayag tungkol dito.

"Kim Chiu wore this gown at the Metrowear Icon Francis Libiran 2013 fashion show as a model.

"This gown has not been worn at any other event by any other celebrity."

Isang araw matapos ang benefit concert, sunud-sunod ang mga tanong sa social media kung bakit pinayagan si Maine na isuot ang gown na nagamit na ng ibang artista.

Hindi man direktang nabanggit ang issue, naglabas ng reaksiyon si Kim sa pagkukumpara sa kanila ni Maine.

"No hate please?.a gown is just a gown... its how you make people happy. i think thats more important.. happy sunday everyone!!spreading GV😉"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

no hate please?.a gown is just a gown... its how you make people happy. i think thats more important.. happy sunday everyone!!spreading GV😉

— kim chiu (@prinsesachinita) October 25, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN