Arjo Atayde doesn't let rave reviews get into his head

Arjo Atayde explains why he welcomes negative criticisms more: “My point is, ang tumatatak talaga sa akin, yung masasamang comments. And which kapag naririnig ko, siguro may nakikita sila sa akin na kulang at kung ma-improve ko, mas lalo akong gumagaling.”


Binansagan ni Coco Martin na "Best Actor of His Generation" ang co-star na si Arjo Atayde sa press conference ng teleserye nilang Ang Probinsyano.

Si Arjo ang gumaganap bilang kontrabida sa karakter ni Coco sa nasabing Kapamilya serye.

Ano ang reaksyon ni Arjo sa papuri ni Coco?

“I’m thankful na ganun yung naiisip ng iba.

“Pero kasi ako, I don’t... wala akong pakialam sa iba.

“For me, I go to the set, I work, I bring my character, I do my best, period. Yun lang,” saad ni Arjo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Hindi ba kinukumpara ni Arjo ang sarili sa ibang aktor?

Mabilis niyang sagot, “No. Alam niyo kung bakit?

“Coco helped me take out all the insecurities, sobra!

"Noong kinausap niya ako, na-realize ko lahat.”

LEARNING FROM COCO. Gaano sila ka-close ni Coco?

Tugon ni Arjo, “Getting to know, pero close enough naman. Swak naman kami.

“Hindi naman kami yung... parang trip niya, yun din naman ang mga naiisip ko. Natututo ako sa kanya nang sobra, e.”

Natututo daw si Arjo sa mga kilos ni Coco—kung paano ito umarte, makisama at makitungo sa mga tao.

Bilib din ang co-star niya na si Albert Martinez sa talento ni Arjo.

Bine-baby nga raw nila Albert si Arjo dahil nakikitaan siya ng potensiyal bilang magaling na aktor.

Nakangiting sumang-ayon si Arjo, “Opo, inaalagaan nila ako, sobra.

“Sa mga eksena, nakikipag-usap.

"Kung may time kami, pagkatapos ng taping, nagba-bonding kaming lahat.

"Usap kami about acting, character. Nakakatulong talaga.”

NEGATIVE COMMENTS. Kumpara sa mga kasamahan niya, maituturing pa ring baguhan si Arjo sa industriya.

Pero dahil sa tindi ng mga papuring natatanggap niya, marami ang nakakapansin at nagsasabing nag-level up na si Arjo bilng aktor.

Hindi ba nao-overwhelm si Arjo sa naririnig na papuri sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, kasi mas tumatatak sa akin ang negative than positive,” saad niya.

May mga negatibong komento pa rin ba siyang natatanggap pagdating sa pag-arte niya?

“Hindi, kasi at the end of the day, kanya-kanyang komento, kanya-kanyang mata, kanya-kanyang feeling.

“So sa akin, kapag positive, anyone can give a positive—kahit hindi marunong manood ng pelikula, kahit hindi makita ang character, puwede ka namang purihin.

“I’m very overwhelmed naman with the compliments, no doubt.

“But my point is, ang tumatatak talaga sa akin, yung masasamang comments. And which kapag naririnig ko, siguro may nakikita sila sa akin na kulang at kung ma-improve ko, mas lalo akong gumagaling.

“And yung take ko naman sa positive is more on, 'Sige, you give me positive comments. I’ll prove [myself] to you. I’ll try my best to prove to you that I’m worthy kung anuman ang ibinigay sa aking oportunidad,'” paliwanag ni Arjo.

Hindi ba siya napipikon sa mga bumabatikos sa kanya?

Tugon ni Arjo, “Ah, hindi.

“Kasi hindi naman every day sa taping na sobrang husay mo. May time na may mood talaga na hindi okey and you just have to accept, move on and get better.

“Alangan namang iyakan mo ang isang taping day unless sobrang sama talaga.

“As far as I’m concerned, hindi naman. Nade-depress lang ako at times, pero ang kinalabasan naman, maganda.

“Siguro, I’m just never contented with what I do.”

CHALLENGED WITH KONTRABIDA ROLES. Si Police Inspector Joaquin Tuazon, ang karakter ni Arjo sa Ang Probinsiyano, ay corrupt.

Okey lang ba kay Arjo na malinya sa kontrabida roles?

Sagot ng aktor, “Okey lang, okey lang kung bibigyan lang ako ng kontrabida roles at ako yung magiging kontrabida ng lahat.

“Naisip ko na yun. Pero siyempre, gusto kong ma-experience talaga yung rom-com [romantic comedy].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s really my personality that people don’t know.

"I’m only like that with people I’m close to and I’m comfortable with.

“Hindi nila nakikita yung side na yun. Pero yung mga taong kilala ko, alam nila na makulit talaga ako.

“But since ito ang binibigay nila sa akin, kontrabida, I don’t mind.

“Kasi, mas nakaka-challenge, mas intense. Mas nag-iisip ka, mas nagiging creative ka.

“Mas marami kang natutunan and you’re working with brilliant actors. You’re learning a lot.”

GENEROUS ACTOR. Kanino nai-intimidate si Arjo bilang artista?

Sagot niya, “Kay Mommy [Sylvia Sanchez] at saka kay Coco.

"Kasi, kay Mommy, malamang may comparison. Kay Coco, magaling naman kasi talaga siya.

“E, may mga artista rin kasi na magagaling pero hindi nagtuturo, hindi nagbibigay.

“Natatakot din ako sa ganun bilang bago, di ba?

“And doon ko nalaman nung makatrabaho ko si Coco na he’s the most generous actor.

"Wala siyang arte, helpful and he’s really a big blessing sa akin."

BIDING HIS TIME. Mag-aapat na taon pa lang sa industriya si Arjo.

Masasabi ba niyang mabilis ang mga pangyayari sa career niya?

“Hindi ko po masasabing mabilis, kasi kapag sinabi ko namang one year akong naghintay, may mga tao rin na naghintay ng ilang taon.

“So wala, hindi ko alam kung mabagal o mabilis because other people wait longer,” tugon ni Arjo.

Naiiba si Arjo sa mga kasabayan niyang artista dahil nananalo na siya ng awards.

“Maybe because I love what I’m doing,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN