Kristoffer Martin reveals why Bea Binene chose him for her debut's last dance

Ayon kay Kristoffer Martin, mag-best friends lang talaga sila ng kapwa Kapuso star na si Bea Benine. Alam daw ng bawat isa ang kani-kanilang mga sikreto sa buhay. Kaya si Kristoffer ang napili ni Bea na maging last dance sa debut nito sa November 4.


Si Kristoffer Martin ang napili ng kapwa Kapuso star na si Bea Benine na maging last dance ng dalaga sa kanyang debut on November 4 sa Manila Hotel.

Bakit si Kristoffer ang napili ng young actress para sa importanteng bahaging ito ng kanyang debut?

Paliwanag ni Kristoffer, “Napag-usapan na namin 'yan.

"Kumbaga, isa pa nga 'yan sa isyu sa amin ni Derrick [Monasterio], e.

"Tatlo kasi kaming close—si Bea, ako, at saka si Derrick.

“Sabi ko kay Bea, ‘Bea, sino last dance mo?’

“Sabi ni Bea, ‘Ikaw,’ tapos andun din si Derrick nun.

“Hindi naman sa pag-aano, ha? Kami kasi ni Bea, mas alam namin yung kadulu-duluhang sikreto ng isa’t isa.

"Hindi naman sa baka isipin ng ibang tao, na akala nila may secret relationship kami. Legit best friends kami.

“Sobrang tingin ko sa kanya, baby sister ko, ganun.

"Kumbaga, yung tiwala namin sa isa’t isa, 100 percent."

Naging best friends sina Bea at Kristoffer sa defunct teen-oriented show na Tween Hearts (2010) ng GMA Network.

Sabi ni Kristoffer, “Five years na rin. Since then, magkaibigan na talaga kami ni Bea.”

Bakit hindi sila nag-level up into something special?

Saad ng 20-year-old actor, “Bakit nga ba? Hindi namin 'yan napag-uusapan ni Bea, e.

“Ang sabi lang namin maging mag-best friends kami.

"Kami yung sumasalo sa isa’t isa kapag may problema."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa presscon ng limang taon na niyang iniendorsong Hammerhead Jeans and Shirts noong Sabado ng gabi, October 24, sa Victorino's restaurant, sa Quezon City.

Kasama niyang humarap sa press ang newest endorser ng brand, ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Read: Arjo Atayde shrugs off his acting critics: “You can’t avoid it.”



NEXT PROJECT. Healing Hearts ang huling proyekto ni Kristoffer sa Kapuso network.

Ano ba ang susunod niyang proyekto sa GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Kristoffer, "Ngayon nag-aantay din ako, e. May sinasabi ang GMA at sana matuloy, sana matuloy.

"Kasi medyo confidential pa yung ibang mga bagay na pinag-uusapan.

"Hopefully, by next year mapalabas na."

Second year college na ngayon si Kristoffer sa kursong Entrepreneurship sa San Beda College.

Dito muna siya naka-focus habang wala pang regular show.

“Sana matapos ko siya kasi ang load ko, mababa lang.

"Ang schedule ko lang ay T-Th-S [Tuesday, Thursday, Saturday].

"Kung maayos, siguro four years matatapos na ako sa college.”

Tuluy-tuloy rin daw ang mga guesting ni Kristoffer sa iba’t ibang GMA shows.

Non-showbiz girl daw ang dini-date ni Kristoffer ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN