Former Pilipinas Got Talent finalist Alakim's parricide charges dropped after three-year jail term

Magician and former Pilipinas Got Talent finalist Allan de Paz, also known as Alakim, was finally released after serving time for three years and four months following parricide charges for the death of his wife in April 2012.


Naging emosyunal ang ace magician na si Allan de Paz a.k.a. Alakim nang kilalanin ang pagtataas niya ng kalidad sa kanilang propesyon bago siya nag-perform sa 25th anniversary show ng Magicians’ Foundation Inc. (MAGFI), na ginanap noong Biyernes, October 23, sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City.

May dahilan para maging emosyonal si Alakim dahil hindi nito inaasahang pinahahalagahan ng mga kasamahan niya sa MAGFI ang kanyang kontribusyon sa mundo ng salamangka sa Pilipinas.

Nakilala si Alakim dahil sa husay niya sa magic nang sumali siya at maging finalist sa unang season ng Pilipinas Got Talent noong 2010.

JAIL SENTENCE. Pero nakaranas ng mabigat na pagsubok si Alakim nang sampahan siya ng parricide case noong April 2012 dahil sa pagkamatay ng kanyang misis.

Non-bailable ang kaso ni Alakim kaya nakulong siya sa Marikina City Jail ng tatlong taon at apat na buwan.

Napatunayan ng korte na walang kasalanan ang magician sa krimen na ibinintang laban sa kanya kaya pinalaya siya noong August 2015.

Noong nakalaya siya, ang una niyang ginawa ay magsimba sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Kamuning, Quezon City, para magpasalamat sa Diyos na naging sandalan niya noong panahong nawawalan na siya ng pag-asa.

Malapit sa puso ni Alakim ang naturang Catholic church dahil dito siya bininyagan.

RENEWED FAITH IN GOD. Sa exclusive interview ni Alakim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento niya na walang gabi na hindi siya umiiyak bago matulog dahil sa biglang pagbabago ng takbo ng buhay niya.

“Lagi lang akong kumakapit sa Kanya pero hindi ko Siya sinisi sa mga nangyari,” ani Alakim.

Lalo raw tumibay ang pananalig niya sa Diyos dahil sa kanyang mga naging karanasan.

Nang dumaan siya sa mabigat na pagsubok, nalaman ni Alakim ang tunay na kahulugan ng pasasalamat sa lahat ng mga blessings.

“Lahat ng blessings, maraming klase ng blessings, pero huwag kayong magsalita palagi ng 'thanks for the blessings' kapag nakakatanggap ng mga material things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung good health, blessing ‘yan. Yung pagkain, blessing ‘yan.

“Marami kang naging kaibigan, blessing din ‘yan.

"Hindi lang mga materyal na bagay ang blessings—yun ang natutunan ko sa loob."

Sa ginanap na 25th anniversary show ng MAGFI, napansin ng audience na mas naging magaling na magician si Alakim dahil sa mga bagong magic na ipinamalas niya.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, nagpapasalamat si Alakim dahil hindi nawala ang tiwala sa kanya ng publiko at marami pa rin ang nag-iimbita sa kanya para mag-perform sa mga children’s parties at corporate events.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN