Bea Binene eyes Alden Richards as first dance at debut party if he's available

Unlike other debutants, Bea Binene will have her coming-out party without an escort, signifying her independent spirit. "Kaya ko naman kahit na ako lang ang mag-isa. Yun ang natutunan ko sa mommy ko, nakaya niyang palakihin ako na siya lang mag-isa. Kaya itong debut na ito, para sa aming dalawa.”


Sa debut party ng Kapuso actress na si Bea Binene, si Alden Richards ang kanyang first dance sakaling makakarating ang Pambansang Bae.

Gaganapin sa Manila Hotel, on November 3, ang 18th birthday celebration ni Bea.

Ayon sa debutante, dapat ay ang kanyang ama ang first dance niya, pero hindi pa sigurado kung makakarating ito sa kanyang party.

“Hindi pa kasi nagku-confirm kung makakarating si Daddy.

“Siyempre, gusto ko naman on that day, makumpleto naman ang family namin, di ba?

“Pero if ever nga na hindi makarating si Daddy, si Alden ang sinabihan ko na maging first dance ko.

“Hindi pa rin naman nagku-confirm si Alden kasi sobrang hectic ng schedule niya.

“Kapag makarating siya, siya ang maging first dance ko,” pahayag ni Bea sa kanyang press conference sa Le Reve Events Venue, sa Quezon City, noong Biyernes, October 23.

WHY ALDEN? Pinili raw ni Bea si Alden bilang first dance dahil isa ito sa pinakamalapit sa kanya, lalo na nang magkatrabaho sila sa TV show na Reel Love Presents: Tween Hearts at sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.

Ilan ding regional shows ang pinagsamahan nila noon.

Kaya naglambing si Bea sa fans ni Alden at ni Maine Mendoza (Yaya Dub), ang AlDub Nation, na pagbigyan siyang makasayaw si Alden sa araw ng kanyang debut.

“Debut ko naman, di ba?” tawa ni Bea.

"Kaya birthday gift na rin ng mga fans ng AlDub ang mapayagan si Alden to be my first dance.

“Tutal, matagal na kaming magkaibigan ni Alden at maiintindihan naman iyon ng mga fans nila ni Yaya Dub.”

Aware si Bea kung gaano ka-protective ang fans nina Alden at Maine.

Napag-initan nga ng ilang AlDub fans noon si Kris Bernal nang mag-post ang aktres ng photo nila ni Alden na magkasama sa Instragram.

Sabi ni Bea, “I know how protective some fans are, may mga fans ako na sobra kung magmahal at sobra kung ipaglaban ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga inuunahan ko na sila ng lambing, e, birthday ko naman at isang gabi lang naman iyon.

“Hindi ko aagawin si Alden kay Yaya Dub, promise!” tawa pa ulit ni Bea.

WHERE’S JAKE VARGAS? Kasama naman talaga si Alden sa 18 roses ni Bea.

Kasama rin dito sina Ken Chan, Enzo Pineda, Jeric Gonzales, Julian Trono, Miguel Tanfelix, Rodjun Cruz; Derrick Monasterio, Paul Salas, Rafa Siguion-Reyna, at Kristoffer Martin.

Ang mga Kapuso girls naman na kasama sa 18 candles ay sina Aicelle Santos, Cata Tibayan, Glaiza de Castro, Krystal Reyes, Winwyn Marquez, Louise delos Reyes, at Barbie Forteza.

Kapansin-pansin na wala sa listahan ni Bea ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas.

Nang usisain siya tungkol dito, obvious na ayaw niyang pag-usapan si Jake.

Pilit nitong iniiba ang topic, “I just want to enjoy that night, gusto ko positive lahat.

“Gusto namin na maganda ang vibes sa paligid, walang negative.”

Diin pa niya, “Mas gusto ko yung napapaligiran ako ng mga taong totoong nagmamahal sa akin.”

Wala ring escort si Bea tulad ng ibang debutante.

Paliwanag niya,“I have always been independent naman.

“Kahit na nandiyan si Mommy, still, I want to do things on my own.

“That’s why inisip ko na bakit ko pa kailangan ng escort? Kaya ko naman kahit na ako lang ang mag-isa.

“Yun ang natutunan ko sa mommy ko, nakaya niyang palakihin ako na siya lang mag-isa.

“Kaya itong debut na ito, para sa aming dalawa.”

REALITY TV. Ibinalita rin ni Bea na ang mommy niya ang may idea ng kanyang reality show na Legally B sa GMA News TV.

Para sa unang season nito, ipalalabas sa Legally B ang preparations sa kanyang debut party.

“It’s a reality-lifestyle show. Naisip ‘yan ni Mommy at maganda ang concept.

“Para sa first season, yung mga behind the scenes ng debut ko ang ipapakita namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“From the meetings with the suppliers, with the designers, the cake maker, the fittings, the photo shoots.

“Hanggang sa pag-ayos sa akin up to that night when I turn eighteen, it will be a fun show.

"At para ito sa mga fans natin sobrang sumuporta sa akin ever since I started with StarStruck Kids in 2004.

“Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon nandiyan pa sila at na-witness nila ang magiging 18th birthday ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN