Piolo Pascual, Sharon Cuneta savor their kiss-and-make-up moment

For Piolo Pascual, mending fences with Sharon Cuneta was long time coming. The Kapamilya hunk says, "When she got into the room, siyempre right away lumapit ako. Perfect timing lang for everyone, I’m so happy that everything is okay now... It’s a thorn off my chest."


Naging viral at marami ang natuwa sa ipinost na larawan ni Sharon Cuneta sa Facebook, kung saan katabi niya si Piolo Pascual, sa birthday celebration ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo-Santos-Concio noong October 20, sa Edsa Shangri-La.

Kasabay rin nito ang pagpu-post ng mensahe ng Megastar na nagpapahayag ng kaligayahan na nagkita na sila nang personal at natuldukan na ang hidwaan sa pagitan nila, pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng anak niyang si KC Concepcion kay Piolo.

Read: Sharon Cuneta and Piolo Pascual finally meet again

May larawan ding lumabas na magkatabi sina Piolo at KC sa naturang event.

Ayon kay Piolo, matagal-tagal din silang nagkasama doon ng ex-girlfriend.

“Yes, ang tagal naming magkasama doon sa holding room kasi yun, before Tita Charo’s event.”

Sa Facebook post naman ni Sharon ay ikinuwento nitong naka-wheelchair siya nang um-attend sa birthday ni Ma'am Charo, kaya agad itong nilapitan ni Piolo.

Kuwento ng aktor, “Yeah, of course, when she got into the room, siyempre right away, lumapit ako.

“Nakita ko na rin, napanood ko, nabasa ko, so siyempre parang pag nakita ko siya, right away lalapit ako.

“Kasi we never had the chance to talk and patch things up, finally there was a moment na even Kristina [KC] was there, so ayun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at Cinema News si Piolo nong Linggo, October 25, sa ASAP XX.

Inamin din ng aktor na para siyang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib sa pag-aayos nilang ito ng Megastar.

“It’s a thorn off my chest, sino ba naman ang may gusto ng may kaaway dito?

“Perfect timing lang for everyone, I’m so happy that everything is okay now.

“I guess more than anything, it’s a validation of what we’ve been saying to each other…

"It’s been a year, we patch things up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap, masarap, kasi that night, kadarating ko lang galing bakasyon, and within a few hours nangyari ‘yan.”

Sa post din ng Megastar ay binanggit nito na “one of the best gifts God gave me this year.”

Para kay Piolo, regalo rin sa kanya ng Nasa Itaas ang pagbabati nilang ito ng Megastar.

“Ako rin siyempre. At the end of the day, sino ba naman ang may gusto ng may makaaway?

“Sino ang may gusto na may kasamaan ng loob? Wala naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN