Alden Richards and Maine Mendoza lucky to meet each other, says Eat Bulaga! executive

Jenny Ferre, senior vice-president for creatives and operations of TAPE, Inc., on AlDub loveteam: "What's good about them, hindi ka magsasawa, kasi magkahiwalay sila ng mundo technically, e. Iba 'yong mundo ni Maine, iba 'yong mundo ni Alden. Pinagkokonek lang namin nang pinagkokonek, e."


Kagaya ng maraming miyembro ng AlDub Nation, isa si Jenny Ferre sa umaasang mauwi sa totohanan ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub).

Si Jenny ang senior vice-president for creatives and operations ng Television And Production Exponents Philippines Inc. (TAPE, Inc.) at itinuturing na utak sa likod ng matagumpay na Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa Kalyeserye nabuo at na-develop ang istorya ng itinuturing ngayong global phenomenon na AlDub loveteam.

Bilang 'unofficial matchmaker' ng loveteam nina Alden at Maine, kung sakaling mauwi sa altar ang relasyon ng dalawa, nagbiro si Jenny na: "Kami yung wedding coordinator."

Ito ay sinabi ni Jenny sa exclusive interview niya sa YES! Magazine November 2015 issue.

Ipinaliwanag naman ng TV executive kung bakit gusto niyang magkatuluyan ang dalawa.

Ayon kay Jenny, "Napakabait nila pareho.

"Si Maine, napaka-pure ng puso, wala sa kanyang masama, e."

Ganun din daw si Alden.

Sabi pa nga raw ni Jenny sa mga magulang ni Maine: "Ang sinumang babaeng mamahalin ni Alden Richards ay napakasuwerte."

Dagdag pa niya, "Sinasabi ko rin kay Maine 'yon. 'Ay, naku! Daig mo pa ang tumama sa lotto."



TAMANG PANAHON. Bagamat dumating na ang "tamang panahon" para magkita at magkalapit sina Alden at Maine, pagkatapos ng tatlong buwan, nananatiling positibo si Jenny na malayo pa ang tatakbuhin ng AlDub.

Aniya, "I see a lot of things that we can do.

"What's good about them, hindi ka magsasawa, kasi magkahiwalay sila ng mundo technically, e.

"Iba 'yong mundo ni Maine, iba 'yong mundo ni Alden.

"Pinagkokonek lang namin nang pinagkokonek, e."

Sa kasalukuyan, maliban sa pagsasama nila sa Eat Bulaga! at sa ilang commercials, ginagawa na rin nina Alden at Maine ang pelikulang My Bebe Love (#kiligpamore), kasama sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Entry ito sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Available na ang YES! November 2015 issue, kung saan nasa cover ang AlDub at ang Kalyeserye ng Eat Bulaga!, sa bookstores, newsstands, groceries, at iba pang outlets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN