Mike Tan reacts to new complaints against director Jay Altarejos

Mike Tan on working again with director Jay Altarejos: “Honestly, right now, I don’t think na mabibigyan ng opportunity na magkatrabaho kaming dalawa. As of now, sobrang labo. I’m not ready to work with him.”


Muling naungkat ang naging isyu noon ng aktor na si Mike Tan sa direktor na si Jay Altarejos.

Ito ay dahil sa pagsulpot ng reklamo ng ilang artista na nakatrabaho ng nasabing direktor; partikular na ang stage/TV/movie actress na si Dalin Sarmiento.

Read: Newbie actress to file complaint against director Jay Altarejos for workplace violence

Matatandaang noong 2012 ay nagkatrabaho sina Mike at Jay sa primetime series na Legacy.

Pero natanggal sa proyekto si Jay dahil sa isyu ng diumano'y pangha-harass ng direktor kay Mike habang ginagawa nila ang teleserye.

Read: Mike Tan breaks silence on issue with a director: "That was a very traumatic experience.”

Sa presscon ng pelikulang No Boyfriend Since Birth noong nakaraang linggo, tinanong si Mike kung ano ang naging reaksiyon niya nang malamang may mga reklamo ngayon sa direktor ang ilang artistang nakakatrabaho nito.

Sagot ng Kapuso actor, “Honestly, wala akong reaction.

"Ang nangyayari yata, may mga links na lumalabas na nali-link dun sa isyu [namin]."

Tahimik siya dati nang magkaroon sila ng isyu ni Direk Jay at hangga't maaari ay ayaw niyang magsalita tungkol doon.

Sabi pa ni Mike sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Honestly, ayoko talaga na mag-comment.

“Ang sasabihin ko lang din naman, kung anuman ang nangyayari sa kanya ngayon, consequence yun ng mga ginawa niya.

“At saka wala na rin siguro akong masasabi pa dun, choice niya yun, e.

“Hindi ko naman choice or kung sinuman yung naagrabyado niya, it’s his choice.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, bukas pa rin ba siyang makatrabaho si Direk Jay?

“Honestly, right now, I don’t think na mabibigyan ng opportunity na magkatrabaho kaming dalawa.

“As of now, sobrang labo. I’m not ready to work with him.”

Nagulat ba siya sa lumabas na isyu ngayon tungkol sa direktor?

“Honestly, nagulat ako, pero hindi ko rin naman kasi alam ang whole story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko na rin siyang basahin at ayoko na rin alamin ang nangyari.”

NOT DESTINED FOR DESTINY ROSE. Hindi rin masagot ni Mike ang tanong kung ano ang susunod na teleseryeng gagawin niya sa GMA Network.

“Parang nasabi na sa akin na baka next year na raw yung next soap na gagawin ko.

“Hopefully, sa next soap, character ulit, hindi yung… I don’t mean anything, pero hindi sana yung boring role.

“Hindi yung naka-kahon, unlike yung The Rich Man’s Daughter.

“Yun, sobrang different, at the same time, sobrang hirap, nag-research talaga ako para dun.”

Hindi natuloy ang Kapuso actor sa isang teleserye na magiging challenging sana ulit ang karakter niya.

Ito ay ang Destiny Rose kung saan nag-audition si Mike.

Pag-amin niya, “Hindi ako natanggap… marami kaming nag-audition.

“May sinabi sa aking mga isyu na it’s not for me, and to be open, it’s for Ken Chan.

“It’s not for me, I’m too big [physically] for the role.

"Pero then again, palagi ko namang sinasabi as an actor, you have to adjust.

“Kailangan ka lang mabigyan ng chance.”



WORKING WITH CARLA. Samantala, kasama ni Mike sa No Boyfriend Since Birth sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Dati nang nagkapareha sina Mike at Carla sa ilang teleserye ng GMA Network.

Sabi ni Mike, “Masaya ako na katrabaho siya at nakaka-miss na katrabaho si Carla since Kung Aagawin Mo Ang Langit.

“Although, hindi naman kami nagkaroon ng intimate moment at very dramatic moment.

“Parang masaya lang ako na nakakatrabaho ko siya at nakakaeksena ko siya, nakaka-miss din kasi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN