Sofia Andres burned by hosting stint in UAAP cheerdance contest

Sofia Andres can't shrug off the torrents of bashing that put a damper on her stint as host of the recent UAAP cheerdance competition. She says, "Kasi 25,000 yung tao doon... Sabi ko, ‘Woooh!’"


Hindi itinago ni Sofia Andres na nasaktan siya sa katakut-takot na pamba-bash na tinaggap niya mula sa netizens nang i-host niya ang opening ng UAAP Season 78 Cheerdance Competition na ginanap sa Mall of Asia Arena noong October 3.

Unang naging biktima ng bashers ang aktres na si Jessy Mendiola nang i-host ng Kapamilya actress ang nasabing event noong 2014.

Kaya tila malabo nang pumayag si Sofia na mag-host sa susunod na cheerdance competition ng UAAP kung saka-sakaling kunin siyang muli.

“I don’t think so, kasi 25,000 yung tao doon, nung time ni Ate Jessy 22,000.

“Sabi ko, ‘Woooh!’ Sa akin, parang I’m not sure.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Sofia sa ASAP XX noong Linggo, October 25, inamin ni Sofia na naapektuhan siya ng mga pamba-bash sa kanya.

“Oo naman, pero di ko talaga siya binabasa.

"Nakikita ko lang kasi my friends are sending me a lot of pictures, ‘Oy, ano?’ Wala ka raw energy that time, boring daw.'

"'Hmmm, okay.'

“Ganun naman palagi pag may gagawin ka, palaging may masasabi even wala kang ginagawa… ganun talaga, e.”

TRENDING. Ayon kay Sofia, hindi niya inasahang napakaraming estudyante pala ang dumadalo at nakikisaya sa event na ito ng UAAP kung kaya’t nakaramdam siya ng pressure at kaba.

“Kasi hindi ko talaga ini-expect na ganun karami ang tao, I’m not really used to host.

“Hindi ko rin masyadong naano yung bashers kasi laging mayroon at mayroon.

“Nobody’s perfect.

"And nabalitaan ko nga, lahat ng hosts ay bina-bash, walang perfect sa kanila.

“Nagulat ako na trending na pala ako. Okay, there’s room for improvement naman."

Dapat pala ay kasama niya si Robi Domingo na maghu-host sa nasabing event pero hindi ito tumuloy sa pangamba na ma-bash din siya.

“I was supposed to be with Kuya Robi, then he told me, ‘Ayoko, ayokong ma-bash.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dapat hindi na ako nag- host.’”

NEXT DARNA? Nang kumustahin namin ang mga proyektong pinagkakaabalahan niya ngayon, ibinalita ni Sofia na magsisimula na siyang mag-taping para sa isang teleserye.

“I’m good, naghu-host ako sa Chill Out.

"And by next month, we’re going to start taping teleserye for next year."

Hiningan din namin siya sa reaksiyon sa balitang isa raw siya sa pinagpiliang gaganap na Darna sa remake nito, ngayong hindi na si Angel Locsin ang gaganap nito.

Sabi ni Sofia, “Talaga? Sana, sana nga kasi dream role kong maging Darna.

"Wala naman silang nababanggit sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN