AlDub posts record-breaking 41-M tweets; Eat Bulaga! breaks TV ratings record with 50.8%

Bukod sa Twitter, sumisira rin ng record ang AlDub pagdating sa TV ratings. Ang episode ng Eat Bulaga! noong October 24 ay nakapagtala ng 50.8% rating, ayon sa overnight ratings ng AGB Nielsen among Mega Manila households.


Itinama mismo ng Twitter ang total tweets para sa #ALDubEBTamangPanahon, na siyang official hashtag ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 24.

Noong araw na iyon ginanap ang “Tamang Panahon” concert sa Philippine Arena, kung saan pormal nang pinayagan ni Lola Nidora (Wally Bayola) na magkalapit sina Alden at Yaya Dub.

Una kasing lumabas na 39.5 million ang naitalang tweets para sa nasabing hashtag.

Pero kahapon, October 26, ay inanunsiyo ng Twitter Asia Pacific na over 41 million ang kabuuang tweets na naitala gamit ang hashtag na #ALDubEBTamangPanahon, mula October 23 hanggang October 25.

Maliban sa pagbasag ng sarili nilang record na 25.6 million tweets noong September 26, para sa #AlDubEBforLover, nalampasan din ng #ALDubEBTamangPanahon ang record na naitala ng World Cup match sa pagitan ng Brazil at Germany, #BRAvsGER, noong July 2014.



TV RATINGS. Hindi lamang sa Twitter sumira ng record ang AlDub, kundi maging sa TV ratings.

Ayon sa overnight ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, ang episode ng Eat Bulaga! noong Sabado, October 24, ay nagtala ng 50.8%; kumpara sa 5.4% lamang na nakuha ng katapat nitong programa sa ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Base sa data ng AGB Nielsen, nalampasan na ng 50.8% rating na ito ng Eat Bulaga! ang most-watched Pacquiao fight—ang Manny Pacquiao vs Timothy Bradley noong April 13, 2014—na 48.9%.

Ibig sabihin, ang 50.8% rating ng Eat Bulaga! noong October 24 na ngayon ang number one sa listahan ng highest-rated shows.

Pangalawa na lang ang Pacquiao-Bradley fight with 48.9%

Pangatlo ang September 26, 2015 episode ng Eat Bulaga!, na may hashtag na #ALDubEBforLOVE, with 45.7%

Pang-apat ang Pacquiao vs Mayweather fight (May 3, 2015) with 44.4%.

At panglima ang Pacquiao-Algieri fight (November 23, 2014) with 43.8%.

Lahat ng mga nasabing programa ay ipinalabas sa GMA Network, maliban sa Pacquiao-Mayweather fight na ipinalabas din sa ABS-CBN at TV5.

Sa National ratings naman ng Kantar Media/TNS ay nakakuha ang Eat Bulaga! ng 40.1% noong October 24 kumpara sa 10.2% ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN