Sam Pinto clarifies rumored past romance with Alden Richards: "Hindi naman siya direct na nanligaw."

Sam Pinto on why she didn't have a relationship with Alden Richards years back: "Ang bagets pa [noon] ni Alden, ha. Para akong nagiging cougar. Hahaha! I don't like."


Hanggang maaari, ayaw ni Sam Pinto na madawit ang kanyang pangalan kay Alden Richards, ang itinuturing ngayong "man of the hour" sa showbiz.

Ayaw ni Sam na maakusahang nakikisakay sa kasikatan ng Pambansang Bae dahil takot daw siyang ma-bash ng milyun-milyong fans nito at ng tambalan nila ni Maine Mendoza na AlDub.

Matatandaang na-link si Sam kay Alden nung nagsisimula pa lamang ang aktor sa showbiz.

Saad ng Kapuso star, "First of all, I'm very happy for Alden.

"He really deserves this break finally, kasi ang tagal na niyang climbing up.

"And finally, he's here telling everybody, 'I'm here, I' m Richard [Faulkerson Jr., Alden's real name].'

"I'm super happy for him.

“And with the whole AlDub thing, grabe! Nakakalurkey!"

Napapanood ba ni Sam ang Kalyeseryeng ito sa Eat Bulaga?

"Yeah!" halos mapasigaw na sagot niya.

"Yes, of course, I'm a fan and how they did get this crazy, so ang galing lang talaga!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa presscon ng indie movie na Maria Labo sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas Center kamakailan.

THE DATE. Nanghihinayang ba si Sam na hindi sila ni Alden ang nagkatuluyan?

Halos mapasigaw muling sagot ni Sam, "No, not at all!

"Ang bagets pa [noon] ni Alden, ha!

"Para akong nagiging cougar! I don't like."

Natuloy ba ang date noon ni Sam, 25, kay Alden, 23?

Pag-amin ni Sam, "Yeah, I think so.

"Nag-ano kami, nag-cruise, pero hanggang dun na lang yun.

"I mean, he's too young for me."

Ang cruise na tinutukoy ni Sam ay bahagi ng promo ng pelikulang Tween Academy Class of 2012 noong 2011.

Read: Sam Pinto and Alden Richards go out on a dinner cruise date

TESTING THE WATERS. Nilinaw ni Sam ang nabalita noong panliligaw diumano sa kanya ni Alden, na umamin noong crush niya ang sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Bubble Gang star, "Hindi naman siya direct na nanligaw.

"First, it's testing the waters if it's gonna work or not.

"But I guess it didn't work.

“He's just too young for me."

Anong sasabihin ni Sam kay Alden sakaling magkita sila ngayon?

Ani Sam, "I'll tell him I'm super happy for him and everything that's happening to him.

"He truly deserves everything, dahil sobrang bait naman talaga ni Alden.

"And he doesn't forget anybody."

May chance ba si Alden sakaling i-pursue niya ulit si Sam?

Saad ni Sam, "Oh, my God! Ayaw kong mangialam sa AlDub na 'yan ngayon.

"Baka mawala na talaga ang career ko. Hahaha!

"Everybody wants them to be together.

"I don't wanna be in-between that."

NO LOVE LIFE. May boyfriend ba si Sam ngayon?

Sagot niya, "Single ako ngayon, matagal na.

"Almost nine months na ngayon.

"My last [boyfriend] was a businessman... non-showbiz.

"Waley ako sa... complicated pag showbiz, e.

"I don't know, maybe because I'm very private.

"I don't want to tell everybody, or show to everybody what I'm doing, or who am I with.

"I wanna be kinda normal sometimes," sagot ni Sam.

Ang Maria Labo, na distributed ng Viva Films, ay ipalalabas sa November 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN