Joey de Leon tweets about “kabayo”; netizens claim he is referring to Vice Ganda

Dahil sa matalinghagang tweets ni Joey de Leon tungkol sa “kabayo,” maraming netizens ang nag-isip na pinaparinggan ng Eat Bulaga! host ang It's Showtime host na si Vice Ganda.


Magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa recent tweets ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

Sa tweets kasi ng veteran comedian-TV host nitong madaling-araw ng Miyerkules, October 28, ikinumpara nito ang career sa “kabayo.”

Dalawang beses nag-tweet si Joey tungkol sa paksa at dalawang beses na ginamit ang salitang “KABAYO” na naka-all caps.

Marami sa netizens na nag-react ay sinabing “double meaning” o may pinapatamaan ito sa kanyang tweets.

Sa unang tweet ng Eat Bulaga! host, sinabi nito: “Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang na karera ay sa KABAYO!”

Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang na karera ay sa KABAYO! #ALDUBKeyToForever

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 27, 2015

Ganito rin ang nilalaman ng pangalawang tweet ni Joey: “I repeat, wag madaliin ang career. Treat it like LOVE. Wag itulad sa karera ng KABAYO, tapos agad!”

I repeat, wag madaliin ang career. Treat it like LOVE. Wag itulad sa karera ng KABAYO, tapos agad! #ALDUBKeyToForever

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 27, 2015

Marami ang sumagot sa nasabing tweets ni Joey Naniniwala silang may partikular na taong tinutukoy si Joey.

Sinabi naman ng ilang netizens na gaya ng mga patama, “guilty” ang sinumang tamaan sa tweets ng Eat Bulaga! host.

Direkta namang sinabi ng ilang netizens na walang iba kundi si "Vice Ganda" ang pinapatamaan ni Joey.

Base sa reaksiyon ng mga netizens, iniuugnay nila ang tweets ni Joey sa naging pahayag ni Vice sa It’s Showtime noong Sabado, October 24, kung saan sinabi nitong hindi nila matatalo ang Eat Bulaga!, na katapat ng kanilang noontime show sa ABS-CBN.

Read: It's Showtime host Vice Ganda concedes defeat to Eat Bulaga: “Hindi namin matatalo 'yan.”

Madalas namang ikumpara ni Vice ang sarili sa kabayo, na siya ring biro sa kanya.

Sumikat din nang todo sa showbiz si Vice nang gawin ang pelikulang Petrang Kabayo noong 2010.

Sinabi naman ng mga tagasuporta ni Joey na “he just loves playing with words” at huwag daw magalit ang sinumang tatamaan.

Mayroon ding netizens na hindi natuwa sa “banat” ni Joey.

Anila, hindi maganda ang ginagawang “parinig” ng host at alam nilang si Vice ang pinapasaringan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN