Heart Evangelista's mother announces support for Sen. Miriam Defensor-Santiago's presidential bid

Hindi raw ikinakabahala ni Senator Chiz Escudero ang deklarasyon ng kanyang mother-in-law na si Cecile Ongpauco na ang kandidatura ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang susuportahan nito sa 2016 elections. Ang running mate ni Chiz sa 2016 ay si Senator Grace Poe.


Marami ang nagulat sa pahayag ni Cecile Ongpauco, ang ina ni Heart Evangelista, na ang presidential bid ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa 2016 elections ang susuportahan niya dahil magkaibigan sila.

Naging isyu ang statement ni Mrs. Ongpauco dahil si Senator Grace Poe ang running mate ng kanyang son-in-law na si Senator Chiz Escudero.

Hindi ikinabahala ni Senator Chiz ang deklarasyon ng kanyang mother-in-law, na dumalo sa meet-and-greet ni Senator Miriam sa University of the Philippines noong Lunes, October 26.

Aminado si Chiz na malapit kay Senator Miriam ang biyenan niya, pero buo ang kanyang paniniwala na makukumbinsi nila ni Heart na suportahan ni Mrs. Ongpauco ang kandidatura ni Senator Grace.

Pahayag ni Senator Chiz, “Friendships and relationships go beyond politics.

“While I respect the position of Heart’s mother, who is admittedly very close to Senator Miriam, it will not deter me and Heart from trying to convince her to support Senator Grace.”

Alam na alam daw ng senador kung paano susuyuin ang biyenan dahil minsan na silang nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni Heart.

Tiniyak din ni Chiz na mananatili ang pagkakaibigan nila ni Senator Miriam kahit magkaiba ang kanilang mga partido.

Si Senator Miriam ang matchmaker nina Chiz at Heart kaya nagkakilala at nagkaroon ng relasyon na humantong sa pagpapakasal ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN