Alonzo Muhlach admits crush on Maine Mendoza, but he only wants to work with Alden Richards

Alonzo Muhlach at five years old already knows he wants to be an actor for the rest of his life. Where does he put the money that he's earning now? "Sa wallet, sa bank po," he answers quickly.


Five years old pa lamang si Alonzo Muhlach, anak ng dating child wonder na si Niño Muhlach, pero hindi raw siya nahihirapan na pinagsasabay ang pag-aaral at ang kanyang pag-aartista.

Sabi pa ni Alonzo, gusto niyang mag-artista hanggang sa pagtanda niya.

Nang tanungin kung sino ang idol niya, ang Pambansang Bae na si Alden Richards ang binanggit niya.

“Si Kuya Alden, guwapo, saka mabait,” sabi ni Alonzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Magkakilala raw sila ni Alden, at "opo" ang sagot niya nang tanungin kung gusto rin niya si Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza.

Gusto ba niyang makatrabaho si Yaya Dub?

“Only Alden,” sabi naman ni Alonzo, “Kasi pogi, saka mabait.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alonzo sa launching niya bilang endorser ng Frabelle Hotdog noong October 23.

ALONZO'S CRUSH. Ang totoong yaya ni Alonzo ang nagpaliwanag kung bakit si Alden lang ang sagot nito.

Crush daw ng alaga niya si Maine Mendoza, pero ayaw raw nitong may magagalit sa kanya.

Pakiramdam daw ni Alonzo, kapag sinabi nitong crush niya si Maine, magagalit sa kanya si Alden.

Ibinuko rin ng yaya ni Alonzo na bukod kay Maine ay crush din ng alaga niya si Yassi Pressman, ang co-star nito sa pelikulang Wang Fam.

Pero nang tanungin namin muli si Alonzo kung crush ba niya si Yassi, hindi ito sumasagot. Nahihiya raw siya kay Yassi.

Sinabi lang naming matutuwa si Yassi kapag nalamang crush niya, at hindi naman magagalit ang ka-love team nito na si Andre Paras.

Saka lang sumagot si Alonzo: “Hindi kaya, kasi noong naupo ako sa lap ni Ate Yassi, he said, ‘Go out Alonzo, go out.’”

Ano naman ang sabi niya?

“Sabi ni Ate Yassi, sobrang bigat daw ni Kuya Andre, yung puwet ni Kuya Andre.”

Halatang binibiro rin naman nina Yassi at Andre si Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang kinumusta namin kung may niregalo na ba sa kanya si Yassi, tugon ng child star, “Wala.”

Kung may gusto siyang gift na mula kay Yassi, ano yun?

“Puppy!” ang mabilis niyang sagot.

Ryzza Mae Dizon, crush pa rin ba niya?

“Hindi, friends lang.”

At saka ito nagkuwento na tila nalulungkot dahil ang alam daw niya, magkikita sila ni Ryzza at manonood sila.



MONEY WISE. Palaging nakukumpara si Alonzo sa kanyang ama na si Niño Muhlach na masasabing tutok din sa career ng anak.

Hindi naman kaila sa marami kung paano iningatan ng tatay ni Niño na si Alex Muhlach ang mga perang kinita niya noong child wonder pa siya.

Mula sa kanyang trust fund ay nakapagpatayo siya ng building at nakapagpundar ng mga negosyo.

Saan naman kaya dinadala ni Alonzo ang kanyang pera?

“Sa wallet, sa bank po,” sagot ng child star.

Ayon naman kay Niño, kung paano iningatan ng kanyang ama ang mga kinikita niya noon, ganun din daw ang gusto niyang gawin para sa anak.

“Kahit kalahati lang ng nagawa ng daddy ko, ganun din ang magawa ko for Alonzo.”

Baymax ang paboritong laruan ni Alonzo at ito rin lang daw ang laruan na gustong bilhin niya sa kinikita niya.

Bilang bata, tinanong namin si Alonzo kung napi-feel niyang sikat na siya.

Mabilis ang pagtango niya. Marami rin daw ang tumatawag sa kanya at nagpapa-picture.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN