Jennylyn Mercado denies transferring to rival network: “May sinabi ba akong lilipat ako?”

“Hindi ako 'yon,” says Jennylyn Mercado about the rumor that she's transferring to other network.


“Hindi ako 'yon.”

Ito ang mariing sinabi ni Jennylyn Mercado tungkol sa bali-balitang lilipat na siya sa kalabang network ng GMA Network.

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang diumano'y pagtatampo ng My Faithful Husband actress sa kanyang home network dahil sa umano'y kawalan nito ng suporta sa ibang mga proyekto niya.

Kaya sa pagbisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng primetime series na kanyang pinagbibidahan ngayong Miyerkules, October 28, diretsahan naming tinanong kung totoong nagtatampo siya sa Kapuso network.

“Ay, hindi, hindi totoo 'yon,” pag-iling ni Jennylyn.

Patuloy niya, “Actually, nagtataka ako kung bakit ang dami kong nakikita sa Instagram.

“Tuwing magpo-post ako, parang, 'Uy, huwag kang lilipat.'

“May sinabi ba akong lilipat ako?”

Sinubukan din daw niyang basahin ang isang blind item kung saan sinasabi ng ilang nakabasa na siya ang tinutukoy na aktres.

“May nabasa nga ako. Pero hindi naman ako yun.

“Pero kasi yung website na 'yon... Binasa ko talaga, kasi sabi raw ng ganitong website.

“So, tiningnan ko kasi naging curious ako. Sabi ko, hindi naman ako yung initials, bakit ako?

“Hindi ko alam. Baka iniisip lang ng mga tao na, 'Baka siya 'to?' kasi mukhang pagod yung picture.

“Baka lang iniisip nila na ako nga. Pero hindi naman ako 'yon.”

Bilang patunay na hindi totoo ang balitang lilipat siya, kinumpirma ni Jennylyn na pagkatapos ng My Faithful Husband ay may gagawin na siyang teleserye sa susunod na taon.

Ang maiksing clue niya tungkol dito, “Meron nang naka-lineup for next year. Iba naman. Kasi galing na ako sa drama. So, iba naman.”

THE PRENUP PROMO. Kaugnay ng isyung tampo diumano niya sa GMA-7, nilinaw rin ni Jennylyn kung bakit hindi niya nai-promote nang husto ang pelikula nila ni Sam Milby, ang The Prenup.

Sabi ni Jennylyn sa PEP, “Wala talagang oras to promote, e, at saka hindi rin ako napayagan mag-promote.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ako lang, kaya kong i-promote talaga kung pwede.

“Pero hindi rin ako talaga puwedeng pumunta sa kabila [ABS-CBN] para mag-promote.”

Wala rin daw pagkakataong makapag-promote sa kanyang home network.

“Mayroong mga dapat naka-schedule pero na-cancel ako. Hindi ko alam.

"Ewan ko kung may ibang rason. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

“Pero okay lang, may Instagram naman at saka Twitter.”

Nasa ikatlong linggo na ngayon ang The Prenup sa mga sinehan.



BUSY AS A BEE. Bukod sa My Faithful Husband, abala rin si Jennylyn sa pagiging judge sa artista-search program na StarStruck.

Aminado siyang dahil masama ang pakiramdam niya noong nakaraang linggo, nagmukhang mataray ang pagdya-judge niya sa StarStruck.

Kuwento ni Jennylyn, “Minsan kasi Batangas kami. So, from Batangas to GMA to Batangas ulit.

“So, noong Friday, pagkapunta ko ng StaStruck, sabi ko, parang bibigay ang katawan ko.

“Actually, medyo masungit ako sa pagdya-judge ko noog Friday.

“Pero sabi ko, parang iba na ang katawan ko, medyo masungit na, parang babagsak na ako.

“Pagdating ko rito, medyo nagtsi-chills na ako, namumula na mga mata ko, high fever talaga.

“So, pinack-up nila ako hanggang iba na ang hitsura ko na parang babagsak na. Hindi ko na rin makabisado ang mga linya ko.

“Nagpahinga lang ako ng isang araw para maka-recover lang, tapos bumalik na ako agad.”

Sa ngayon ay bumabawi raw si Jennylyn sa pagkain dahil nangayayat siya dala ng pagkakaroon niya ng sakit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN