Garie Concepcion steps out of the shadows of dad Gabby and sister KC; changes screen name to Gabrielle C.

Garie Concepcion, who now goes by the screen name Gabrielle C., wants to prove herself: “Sana, one day, I could be known as me, as si Garrie lang, as Gabrielle, and not as a sister of or daughter of, although I know and I’ve accepted that it will always be there.”


Kasabay ng pagpirma ng kontrata ni Garie Concepcion sa ilalim ng isang music label ay ang pagbabago niya ng screen name.

Makikilala na siya ngayon bilang Gabrielle C.

Isa ba itong hakbang upang umangat ang sarili niyang identity at ma-sideline ang pagkakakilala sa kanya bilang anak ni Gabby Concepcion o half-sister ni KC Concepcion?

“Yes, it has something to do with that,” pagkumpirma ni Gabrielle sa contract signing niya with Warner Music Philippines sa Max’s Restaurant sa Quezon City kahapon, Miyerkules, October 28.

Aminado si Gabrielle na may advantage sa kanya bilang artista ang pagiging anak ni Gabby at kapatid ni KC.

Pero alam niyang may malaking hamon din itong kasama.

“It is a blessing kasi it’s not every day that you get to be the sister of KC and the daughter of Gabby.

“It’s not so much of a curse naman actually, curse kasi mahirap po lumabas dun sa shadow nila.

“Yun nga ho ang gusto kong mangyari, na sana to step out of their shadows.

“Na sana one day, I could be known as me, as si Garie lang, as Gabrielle.

“And not as a sister of or daughter of, although I know and I’ve accepted that it will always be there.”

Dagdag pa ng aspiring singer-actress, “Right now, I think I’ve grown to be a person, so I’m willing to take more risks.

“Si Garie very nene… not much more of a daredevil as I am now.”

Ibinigay ring halimbawa ni Gabrielle ang pagtanggap niya ng role sa isang ginagawang indie film kung saan magkakaroon siya ng kissing scene.

COMPARISON. Tanggap ni Gabrielle na lagi siyang ikukumpara hindi lang kay KC kundi sa ibang artista na rin.

Sa katunayan, may naglalabasan na ngang hindi magagandang comments sa social media at aminado itong apektado siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “May fear po kasi siyempre ang dami nang bago and mas bata na artists.

“But yung mga comments, sometimes nga I tell my mom, ‘If you don’t read it, it won’t hurt you.’

“Kunyari isa pa lang na may nakita akong negative, hindi ko na babasahin kasi I’m also a person.

“Pag may nababasa ako, I won’t deny the fact na masakit pag tinatawag kang…

“It has a lot to do… mas maganda, mas maganda ang boses, mas talented, mas maraming mas, mas…”

Idinagdag din niyang mas apektado ng negative comments ang kanyang inang si Grace Ibuna.

Sabi nga raw ni Gabrielle sa ina, “Ma, okay lang, they don’t know me.

“Alam naman nating wala tayong masamang ginagawa, just let them."

Dagdag pa niya, “I can’t please everyone, that’s just how it is.

"So, ako, I’ll keep on doing what I’m doing.

“If people appreciate me and love me, I’ll love them back; if not, I’ll respect them either way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN