Alden Richards gets 8-digit offer for major concert in Araneta Coliseum

Concert producer Joed Serrano on his offer to Alden Richards (in photo): "Given a chance na matuloy, I think he’s the very first artist ng GMA na magko-concert. Basta given the chance na matuloy, siya sa history ang may ganitong kalaking offer."


Inamin ng concert producer na si Joed Serrano na inalok niya ang Pambansang Bae na si Alden Richards na mag-concert sa Araneta Coliseum sa 2016.

Kuwento ni Joed, “Okay, I was in Sunday Pinasaya last Sunday [October 25].

“Nagpa-picture ako kasi isa ako sa mga fans ng AlDub.

“And totoo yun, I made an offer—eight-digit offer.

“Nagulat din sila at ako nga, after kong mag-offer, natulala ako ng 30 minutes.

“Kasi sabi ko, ‘Tama ba ang ginagawa ko o baka na-starstruck lang ako?’

“But if we’re talking about yung international na idinudulot nung Alden Richards at Yaya Dub… but yung concert, Alden muna.”

Ano na ang estado ng offer niya kay Alden?

Sabi ni Joed, “As of last night, 12:30 ng hatinggabi, last Sunday lang ‘to…

“Nandoon kami sa proseso na masarap tanggapin ang offer ko, bakit gusto kong gawin.

“Ang problema namin ngayon, sa dami ng commercials, sa dami ng gagawin [ni Alden]—may teleserye, may gagawing pelikula—saan isisingit?

“But they’re very grateful for the offer, kasi this is gonna be the very first time sa GMA-7 na may mag-a-Araneta.

“Ako kasi, masasabi ko yun sa ngayon, ako rin kasi ang may malaking talent fee na artistang binayaran, e—si Vice Ganda.

“Kung matutuloy, siya ngayon ang may record sa akin na highest-paid performer.

“Sana matuloy, sana.”

Diin ng dating miyembro ng That’s Entertainment, “Nakaka-shock, pero seryoso ako sa offer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Joed sa contract signing para kay Gabrielle C, na unang nakilala bilang si Garrie Concepcion, para sa Warner Music Philippines ngayong Miyerkules, October 28.

Kasamang pumirma si Joed bilang tumatayong talent manager ng anak ni Gabby Concepcion sa negosyanteng si Grace Ibuna.



PROPOSED CONCERT. Pagkatapos ng presscon proper, nakausap muli ng PEP at ni Nelson Canlas ng GMA News si Joed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa pa namin siya tungkol sa alok niyang major concert kay Alden.

Kapag sinabi mong 8-digit, magsisimula na ito sa P10 million pataas.

Ayon naman kay Joed, concert mismo ang inaalok niya kay Alden at hindi tipong maggi-guest lang at kakanta ng dalawang kanta.

“It’s a big concert na makikita siya ng tao na nagpi-perform ng dalawang oras.

“Hindi yung typical na kakanta ng dalawang kanta, hindi.

“Dito, talagang sulit na sulit na makikita siya ng mga tao.”

Two-night concert daw ang inaalok niya para kay Alden, sa February 13 at 14, sa Araneta Coliseum.

Si Maine Mendoza ba ay hindi niya inalok na mag-concert din?

Ayon kay Joed, “Baka hindi ko na kayanin kung dalawa sila.

“Pero kinonsider ko si Alden, first, because he has an album. Kumakanta talaga siya.

“Second, given a chance na matuloy, I think he’s the very first artist ng GMA na magko-concert.

“Basta given the chance na matuloy, siya sa history ang may ganitong kalaking offer.”

Mas mataas pa sa ibinayad niya kay Vice Ganda?

“Times four,” sagot ni Joed.

Nakausap ba niya si Alden nang personal sa inaalok niyang ito?

Sabi ni Joed, “Nagkita kami noong Sunday, pero para sa kanya ko sabihin directly, napaka-unbusinesslike.

“But I know he knows the offer.”



THE OFFER. Nabanggit ni Joed na napaisip siya ng 30 minutes pagkatapos niyang ibagsak ang talent fee makuha lang si Alden for a concert.

May naging pagsisisi ba siya?

“Sa kotse, napaisip... pero hindi!” natawang sagot ni Joed.

“Kasi, usually as a businessman, nagko-compute ka, di ba?

“Yung offer ko kasi, nakalimutan kong mag-compute.

“Pagdating ko sa kotse, nahimasmasan ako nang konti.

“Parang, ‘Uy, tama ba yung TF pa lang, eight-digit, wala pa ang production? Good luck!’

“Pero, walang atrasan, e.

“Akala nila nagbibiro ako, pero no joke, walang biro.”

Gusto rin daw niyang makuha si Maine, kahit isa o dalawang kanta lang, pero alam niyang iba ang management ni Alden, iba ang management ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Maine ay nasa pangangalaga ng Triple A ni Mr. Tony Tuviera.

“Pero alam ko naman na ambitious ang offer. Good luck dun sa schedule talaga,” sabi ni Joed.

Ilang porsiyento niya nakikitang matutuloy sila sa offer niyang concert?

“Ang stand ko kagabi, whatever happens, sana tinanggap nila ang offer ko.

“Alam nilang… they even asked me, ‘Kaya mo bang kitain yun?’

“Sabi ko, siyempre akin na yun. Ako na ang gumagawa ng numero na yun.

“Pero yung offer, sabi ko lang kagabi, whatever happens, sana ako ang priority dahil ako ang nagbigay ng ganung offer.”

Kung sakaling hindi mag-materialize ang February 13 and 14 playdates para kay Alden, itutuloy pa rin ba niya kahit ibang buwan na?

“Nagbanggit na rin sila kagabi… sinabi ko nga, I’ll stand.

“Tapos tinanong ako, ‘Same offer pa rin ba?’ Sabi ko, yes. ‘

“At saka, siguro hindi lang ako ang nag-iisang nagga-gamble sa kanya, marami.

“Pero ako, naniniwala kasi ako na deserving siya dun.”



WHY ALDEN? Bukod sa inamin ni Joed na isa rin siyang AlDub fan, ano pa ang dahilan kung bakit si Alden ang naisipan niyang ipagprodyus ng ganito kalaking concert?

Lahad niya, “Okay, after I met him last Sunday sa Sunday Pinasaya, I went to Astrovision, bumibili ako ng DVD lang, yung mga pelikula.

"Nakita ko yung album niya. Sabi ko, ‘Bago?’

"Kasi meron ako nung old. Kasi iniregalo ko dun sa friend ko na patay na patay [kay Alden].

“Sabi ko, ‘Bago ‘yang album niya?’

“Bago raw, so binili ko.

“Then, tinanong ko, kasi nag-offer na ako, sabi ko, ‘Kumusta ‘to?’

“Sabi niya [salesperson], ‘Naku, Sir, lahat po ng pumapasok ditong mga babae, bata, matanda, kapag nakangiti, alam na ho namin na ito ang hinahanap.’

“Tapos tinanong ko, ‘Gaano naman karami ang sales?’

“’Umorder na nga ho kami ng panibago kasi nga malakas.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun ko tiningnan. Pati mga staff ko, sus, baliw na baliw!”

Naikuwento rin ni Joed na nag-offer din siya sa tatlong “lola” na sina Nidora, Tidora, at Tinidora—Wally Bayola, Paolo Ballesteros, at Jose Manalo.

Ayon kay Joed, “Una, I messaged Paolo.

“Sabi ko, ‘Pao, offer-an ko kayo—'Nidora, Tidora, Tinidora sa Araneta. Pamaskong Handog ng mga Lola.'

“Ibinigay niya sa akin ang number ni Tita Malou [Choa-Fagar].

“And alam ko naman ang number ni Tita Malou and how nice of Tita Malou to answer agad-agad.

“Sabi ko, ‘Tita, puwede niyong isingit… may title na nga’

“Kaso, schedule daw, sabi ni Tita Malou.”

Tig-iisang milyon naman daw ang offer ni Joed sa JoWaPao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN