PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nicco Manalo does not want to meddle in his parents' legal battle

Nicco doesn't meddle with his parents' problems but would rather focus on his siblings.
by Ruben Marasigan
Published Oct 30, 2015
Nicco Manalo on parents' court battle: "Meron lang silang mga questions. And hindi ko po talaga alam in depth kung ano yung issues nila na inaayos sa court o kung ano talaga yung pinaglalabanan pa nila.”

Hindi kumukontra si Nicco Manalo kapag may nagsasabing nagmana siya ng kakuwelahan sa ama niyang si Jose Manalo.

"May topak po talaga ang daddy ko,” biro ni Nicco.

“Pare-pareho po kaming may topak, pati yung kapatid ko na nag-aartista na rin ngayon, yung nasa On The Wings Of Love po, si Benj Manalo.

“Siya po yung Axel, yung mahaba ang buhok na medyo malaki ang katawan at matangkad.

"Siya yung karpintero ni James [Reid], yung may tattoo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nicco sa launch ng Cinema One Originals noong Martes, October 27, sa ELJ Building ng ABS-CBN.



PARENTAL ISSUES. Kumusta na ang legal battle ng mga magulang niya?

Sagot ng aktor, “Sila pong dalawa, siyempre may inaayos pa rin po sila sa court.

“Hindi naman po talaga ako yung tipong nakikialam kumbaga.

“Meron lang silang mga questions.

"And hindi ko po talaga alam in depth kung ano yung issues nila na inaayos sa court o kung ano talaga yung pinaglalabanan pa nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan ba niya ang mga magulang na itigil na ang court battle dahil ang mga abugado lang nila ang yumayaman at mas mabuting ilaan na lang ang ginagastos sa kaso para sa kanila na mga anak?

Tugon ni Nicco, “Nasabi ko na rin po ‘yan.

“Kasi kagaya po sa akin, ang mas pina-prioritize ko talaga, mga kapatid ko, e.

“Kaya hindi po ako masyadong nakikialam kung anuman yung inaayos nila sa korte, kumbaga.

“Kasi that’s their fight, kumbaga. That’s their ano… sa kanilang dalawa lang.

“Ako, gusto ko lang anuhin yung mga kapatid ko.”

Tanggap ba ni Nicco na malabo o imposible nang mag-reconcile ang mga magulang niya?

“Right now, parang kagaya nga po ng sinabi ko, parang may ginagawa namang sarili ang mommy ko at daddy ko.

“Pero dahil may inaayos po sila sa court, hindi ko na po naiisip yung tungkol sa pagbabalikan or whatever na puwedeng mangyari sa relationship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, ayun nga, e, that’s their thing. Wala po ako dun."

What if bigla na lang may ipakikilala sa kanilang magkakapatid si Jose na bagong partner sa buhay?

Tugon ni Nicco, “Kumbaga, sa nangyayari po sa amin ngayon, ayoko talagang mag-side kahit kanino.

"I respect both their decisions.

“If ever na may lumabas na ganun, sa kanila na po ‘yon. Matatanda na sila."

Hindi ba niya masabi kung sino sa mga magulang niya ang may mali?

“I guess I will understand kung anuman yung… kung may naging problema nga.

"Pero hindi ko po talaga masabi kung sino ang mali," sabi ni Nicco.



HAPPY WITH CAREER. Kuntento raw si Nicco sa career niya ngayon, kung saan nalilinya siya sa indie films.

Hindi siya nawawalan ng gagawin.

Kasali si Nicco sa Mga Rebeldeng May Topak na idinirehe ni Raymond Red, at sa Baka Siguro Yata ni Joel Ferrer.

Ang dalawang pelikula ay kabilang sa siyam na nakapasok sa final lineup ng Cinema One Originals 2015, na magsisimula sa November 9 at tatagal hanggang November 17.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapapanood ito at ang iba pang Cinema Original films sa mga sinehan sa Trinoma, Megamall, Resorts World Manila, at Glorietta.

Masusundan kaya ang Best Supporting Actor award na nakuha ni Nicco sa Star Awards for Movies para sa The Janitor?

Nakangiting sabi niya, "Naku, hindi ko po alam.

“Yung role ko sa Mga Rebeldeng May Kaso, medyo parang drama naman siya.

"Pero marami kasing mga nakakatawang situations.

“Siguro yung character ko, isa ‘yon sa mga mas nakakatawang tingnan, kumbaga, pagdating dun sa mga ganung sitwasyon.

“Yung character ko kasi, medyo malalim naman siyang mag-isip, pero medyo comic kasi yung character na malikot.

“Maihahalintulad ko siya sa parang mga… kung paano yung mga role nina Herbert Bautista noong ‘80s, parang ganun po.”

Sinabi rin ni Nicco na wala pa siyang major role sa mainstream movie, puro cameo lang daw.

"Lumabas ako sa 10,000 Hours, sa Kimmy Dora, mga gano’n.

“E, ako naman kasi, nai-enjoy ko naman na gumawa ng indie films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ewan ko... dun ako galing, e.

“Parang… coming from theater to independent films, dun yung roots ko.

"So, parang babalik at babalik ako dun.

“Ngayon po siguro, naghihintay ako kung... kagaya nga ng nasabi ko dati, hinahanap ko pa yung place ko sa mainstream industry, kung saan nila ako gustong ilagay or kung saan nila ako gustong makita.”

Kasama rin si Nicco sa bagong ABS-CBN teleserye na Walang Iwanan, na pinagbibidahan ni John Estrada at ng Kapamilya child stars.

“Kaka-air lang po namin. Ang role ko po ang pangalan, Sarge, siya yung sidekick ni Kuya John na parang yaya ng mga bata.

“Parati kong kasama ang mga bata sa mga eksena. Ang tataas ng energy nila!

“May play rin po akong ginagawa under Red Turnip Theater. Sa Ace Space po yung venue.”

Read Next
Read More Stories About
Nicco Manalo, Jose Manalo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicco Manalo on parents' court battle: "Meron lang silang mga questions. And hindi ko po talaga alam in depth kung ano yung issues nila na inaayos sa court o kung ano talaga yung pinaglalabanan pa nila.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results