Megan Young’s contract with Miss World Organization extended for one year

Ang Miss World Organization pa rin ang namamahala sa career ni Megan Young. Ayon sa Marimar star, kahit ang GMA Network ay sa Miss World pa rin nakikipag-usap pagdating sa kanyang mga proyekto sa kanila.


Extended muli ng isang taon ang kontrata ni Megan Young sa Miss World Organization (MWO).

Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss World noong taong 2013.

“I have a year [from now],” ang tugon ng Kapuso actress-TV host sa tanong kung ano na ang estado niya sa MWO.

Dagdag niya, “Ano lang po siya, kumbaga management.”

Cover daw nito ang mga usapin tungkol sa kanyang showbiz career, kaya kahit daw ang GMA Network ay sa MWO pa rin nakikipag-usap.

Bukod sa WMO, tinutulungan din daw siya ni Arnold Vegafria ng ALV Talent Circuit para sa kanyang magiging projects sa bansa.

Pahayag ng Marimar star, “Sa ngayon, we have one more year pa.

"We have projects pa, like mga charity projects na gagawin for next year also, dito at saka abroad.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa set ng Marimar, sa Teatro Marikina, kaninang tanghali, October 29.



BELLA ALDAMA. Malapit nang mapanood ang transformation ni Megan, mula sa pagiging Marimar, bilang si Bella Aldama.

Saad ng 25-year-old actress-beauty queen, “In two weeks, magta-transform na si Marimar, magiging si Bella Aldama na siya.

"Ito na yung simula ng paghihiganti niya sa mga Santibañez, lalo na kay Sergio [Tom Rodriguez] at kay Angelica [Jaclyn Jose].”

Gaganap na personality trainer niya si Solenn Heussaff bilang si Cappuccinna Blanchet, ang babago sa kanyang imahe.

Sabi ni Megan, “Bale siya ay isang performer pero parang ano din siya, beauty consultant.

“Siya yung tutulong kay Marimar na mag-transform kung paano maglakad, magsalita, paano makihalubilo.”

Excited ba siya na mag-iibang bihis na ang kanyang karakter sa serye?

Sagot ni Megan, “Actually, medyo kinakabahan ako kasi napamahal din ako kay Marimar.

"At parang kahit nga papunta pa lang ako sa set, 'O, excited na ako!'

"Simple lang yung mga damit ko, simple lang si Marimar, simple lang siya mag-ayos. Parang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, medyo ito, parang beauty queen mode na ulit.

"So, ibang side naman ni Megan ang makikita nila kapag nag-transform na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN