Zoren Legaspi disapproves of wife Carmina Villarroel??s daring roles on television: "Nainis ako kasi alam niyang ayoko ng ganun."

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw maintindihan ni Zoren Legaspi kung bakit hindi niya matanggap, kahit artista siya, na minsan ay daring ang role ng asawang Carmina Villarroel sa mga teleserye nito. Pahayag niya, "But weird nga, kasi nga, I'm an actor, dapat naiintindihan ko. At the same time, she's my wife, you know, my private ano yun, e, kung bakit [ayaw] ako."


Hindi aprubado kay Zoren Legaspi ang paminsan-minsan ay daring roles ng kanyang asawa na si Carmina Villarroel sa mga teleserye.

Sa katatapos lamang na Bridges of Love ng ABS-CBN, ginampanan ni Carmina ang papel na asawa ni Edu Manzano at dating karelasyon ni Paulo Avelino.

May pagka-sexy ang character ni Carmina bilang si Alexa.

Nagseselos ba si Zoren dahil sa role ng asawa?

Nakangiting sagot ng actor-director, “Nagseselos? Hindi ako nagseselos, naiinis.

"Nainis ako kasi alam niyang ayoko ng ganun.

"Pero, you know, she’s an actress, wala naman akong magagawa.

“Pero alam niya na hindi ko gusto yung mga ganun.

"But weird nga, kasi nga, I’m an actor, dapat naiintindihan ko.

"At the same time, she’s my wife, you know may private ano yun, e, kung bakit [ayaw] ako.

"So, ayun, but we’re in show business, di mo mapipigilan yung mga ganung bagay, kaya tatanggapin mo na lang."

Nasa ABS-CBN pa rin si Carmina at si Zoren naman ay nasa GMA Network para sa primetime series na Marimar.

Wala bang problema na magkahiwalay sila ng istasyong pinagtatrabahuan?

Sagot ni Zoren, “Wala namang problema na magkahiwalay kami.

"For me, parang mas maganda minsan ang magkahiwalay kami, para meron siyang own career, I have my own career."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa set ng Marimar sa Teatro Marikina, Marikina City, kahapon, October 29.

 

 

MARIMAR. Ano ba ang mga bagong aabangan sa kanilang teleserye sa GMA?

Sabi ni Zoren, “Dapat talagang abangan yung transformation ni Marimar.

"Yung dating probinsiyana, nagiging sophisticated si Marimar.

“Marami pang mang-aapi kay Marimar. Sa punto ngayon, lalaban na siya, kasi hindi na siya yung old Marimar.

“Nag-aral na siya talaga. Lalaban na talaga siya.”

Puring-puri naman ni Zoren ang gumaganap na Marimar na si Megan Young.

Nakatrabaho na raw niya noon ang Miss World 2013 sa isang TV show kung saan si Zoren ang director, pero bata pa raw si Megan noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Megan, hindi ko akalain na ganun siya ka-bubbly, na full of energy kahit 4 A.M. na.

“Hyper pa rin, tapos mahilig kumain, pero hindi tumataba.

"At saka ano siya, maganda talaga siya. Actually, up close, personal, maganda si Megan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN