Joey de Leon defends 'kabayo' Twitter post: “HINDI ko tinatawag na hayop ang isang tao kung sya ay TAO. KAYO nagpahiwatig nito.”

Did Joey de Leon just address his bashers, via Twitter, who claim he called Vice Ganda “kabayo”?


Makahulugan at malaman ang tweets ni Joey de Leon nitong Huwebes, October 29, na tila ipinagtatanggol ang sarili mula sa mga pumupuna sa kanya.

May ilang netizens kasi ang nag-react kamakailan at nagkonekta ng paggamit ng batikang host ng Eat Bulaga! ng salitang “kabayo” sa kanyang tweets sa It's Showtime host na si Vice Ganda.

Tungkol ang tweet ni Joey sa pangangalaga ng career; na hindi ito dapat minamadali upang hindi matulad sa karera ng “kabayo” na tapos agad.

Sabi ng mga kritiko, halata umanong “parinig” ang tweets ni Joey kay Vice.

Ipinagtanggol naman si Joey ng kanyang mga tagasuporta, at sinabing mahilig lang ang veteran comedian-TV host “to play with words,” at kung sino man ang tamaan o mag-react sa kanyang tweets ay “guilty.”

Read: Joey de Leon tweets about “kabayo”; netizens claim he is referring to Vice Ganda

Trademark ni Joey ang pagiging mahilig sa word play.


JOEY DEFENDS. Nitong Huwebes, nag-tweet si Joey tungkol sa mga taong hindi nakakaunawa:

PEOPLE WHO DON'T UNDERSTAND WILL ALWAYS STAND UNDER YOU. #ALBUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Pagkatapos nito, sunud-sunod ang matatalinghagang tweets ng entertainment guru na nagpapakita ng pagiging witty niya pagdating sa word play.

Sa pagtatapos ng kanyang tweets, naka-open and close parenthesis na tanong si Joey kung nauunawaan ba “nila” ang kanyang ibig sabihin.

Pato, pato sa putik...wag lumapit nang walang tilamsik! Kung kayo'y hantik, ibahin ang lintik! (Madalumat kaya nila?) #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Bato, bato sa langit...ang maiputan wag magalit. At kung kayo'y magalit, pinatula'y sinlaki lang ng pipit!( kaya na?) #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Masarap maglaro sa ulan ngunit mas masarap ambon paglaruan. (Kaya nyo na siguro yan) #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Sa mas simpleng tweet ni Joey, iminungkahi niyang hindi siya dapat pinapangunahan sa kanyang mga pahayag o “putting words in his mouth” sa wikang Ingles.

Ang dila ko ay hindi sa iyo kaya hindi mo alam ang panlasa ko. Kaya wag mapaitan kung hindi sa inyo! (Arok?) #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Sa pinakahuling tweet ni Joey sa isyu, wala mang pangalang binanggit, tila sinagot niya ang netizens na pinangungunahan siya sa kanyang ibig sabihin, partikular ang paggamit niya ng salitang “kabayo.”

Aniya, “HINDI ko tinatawag na hayop ang isang tao kung sya ay TAO. KAYO nagpahiwatig nito. Sino ngayon walang respeto?”

Finally, HINDI ko tinatawag na hayop ang isang tao kung sya ay TAO. KAYO nagpahiwatig nito. Sino ngayon walang respeto?#ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN