Is Jessy Mendiola the next Darna?

With many of her Instagram posts showing workout photos, some netizens are thinking that Jessy Mendiola could be the lucky actress to don the costume of Darna in a new film about the Pinay superhero.


Sunud-sunod ang pag-post ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram account ng workout photos niya nitong nakalipas na dalawang linggo.

Kaya naman maraming netizens ang nagtatanong at nag-iisip kung paghahanda ba ito ng aktres para sa kanyang pagganap bilang Darna sa pelikula.

Kamakailan, kinumpirma ni Angel Locsin na nakapili na ang ABS-CBN ng bagong Darna.

Ito ay matapos ianunsiyo ng Kapamilya actress na hindi na siya ang gaganap muli bilang Pinay superhero dahil nagkaroon siya ng disc bulge, sanhi ng kanyang pag-eensayo para sa nasabing role sa nakalipas na dalawang taon.

Hindi pa pinapangalanan ni Angel at ng ABS-CBN kung sino ang gaganap bilang bagong Darna.

Subalit sa interviews ni Angel, sinabi niyang kailangan nang simulan ang shooting para sa muling paglipad ni Darna.

Read: Angel Locsin confirms ABS-CBN has already chosen a new Darna

Bukod kay Jessy, ilan pa sa mga pangalang lumilitaw para sa role na Darna ay sina Liza Soberano, Nadine Lustre, Julia Montes, at Maja Salvador.

Noong 1994 pa nang huling magkaroon ng Darna sa pelikula na ginampanan ni Anjanette Abayari, samantalang ginampanan ni Angel ang superheroine character noong 2005 sa GMA Network.

Ang huling gumanap na Darna ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong 2009.

Sa comments section ng mga post ni Jessy, may mga nagsabing dahil sa workout photos ng aktres ay tila pinaghahandaan na nito ang role bilang Darna.

Sa isang post niya ngayong Biyernes, October 30, sinabi ni Jessy na kahit inaantok siya ay kailangan niyang mag-workout.

Sa nasabing post ay hawak-hawak ni Jessy ang isang mug na may larawan ni Wonder Woman, ang American female superhero at paboritong superhero character ng Kapamilya actress.

Depensa ni Jessy sa nasabing mug na may larawan ni Wonder Woman: “FYI: this is my favorite mug, walang basagan ng trip. Kaloka.”

Sa sumunod na post kung saan makikita siyang nagwo-workout, isang netizen ang nagsabing magiging masaya si Angel kung si Jessy ang susunod na maging Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Jessy: “She's my one and only Darna.”

Kabilang si Jessy sa upcoming ABS-CBN drama series na You’re My Home, na pinangungunahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Finally, naka-workout ulit. 🙊 #kagatlabi #balikalindogparasasariliatsaekonomiya

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) onOct 28, 2015 at 12:23am PDT

Bago ianunsiyo na gaganap ulit si Angel bilang Darna noong 2014, sa isang artikulo sa PEP ay sinabi ni Jessy na aminado siyang gusto niyang maging superhero.

“Gusto ko talagang maging superhero, dati ko pa 'yan ini-express.

"Marami ring nagagalit sa akin, sinasabi nila na 'wannabe.'

"For me, si Darna talaga ang isa sa mga heroine ng mga Pinoy. Gusto ko kasi yung feminine but strong.

"Si Darna, puwede siyang maging example sa mga kababaihan dahil matapang siya pagdating sa pagiging babae.

"Kung ako, yung nakarinig na ako ang magda-Darna, iko-confirm ko 'yan. Pero wala pa talaga, e."

Read: Jessy Mendiola: Is she the next Darna?

At ngayong kinumpirma na ni Angel na ipapasa na niya ang bato, malaking palaisipan pa rin sa fans kung sino ang susunod na magiging Darna.

At dahil malapit na ring simulan ang shooting, asahan na papangalanan na sa mga susunod na araw kung sino ang gaganap bilang bagong Darna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN